CHAPTER 84: QUADRUPEL DATE PT. 2

23 4 0
                                    

Matapos mananghalian, sandaling nagpababa ng kinain ang mga magkakapares nang may maisip si Jett.

Jett: "Guys, anu susunod natin gagawin pagkatapos dito sa JollyBeetle?"

Archie: "Eh....Hindi ko alam. Insan, may naiisip ka ba?"

Albert: "Wala din eh. Pero pwede pa naman tayo sumakay sa mga Rides na nandirito."

Aileen: "Speaking of rides, may mga rides dito sa Amusement park na ayokong sakyan. Parang feeling ko hindi ako mag-eejoy kapag sumakay ako sa mga iyon."

Lyrica: "Oo. Ako din."

Jett: (Ayaw sakyan? Hmm...mukhang magiging masaya to.)

Rochel: "Ang sa akin lang, wala akong problema sa mga rides. Pero si Archie, sigurado, may mga ayaw syang sakyan dito. Tulad nang—"

Archie: "Oo na!! Sige na!! Basta wag mo nang ipagsabi!!"

Jett: "Alam nyo, hindi naman sa minamaliit ko ang tiwala nyo sa mga Boyfriend at Girlfriend ninyo, pero gaano kalaki ang tiwala nyo sa mga mahal nyo kung hindi kayo sasakay sa mga rides na gusto nilang sakyan?"

Reysha: "A-Anung ibig mong sabihin?"

Jett: "Ang sinasabi ko, kung mahal nyo ang mga Jowa nyo, haharapin ninyo ang takot ninyo, hindi ba?"

Archie: "Sinasabi mo bang sasakay tayo sa mga rides kung saan takot kaming sakyan?"

Jett: "Yun nga, Archie! Nahuli mo!"

Napatahimik ang lahat ng marinig nila kay Jett ang planong pagsakay sa mga Rides na ayaw sakyan ng mga kasamahan nito. Dahil dito, lalo pang nagyabang si Jett at inudyok ang mga ito na sumakay sa mga kinatatakutan nilang Rides sa Amusement park.

Jett: "Oh? Tumahimik ata ang lahat? Wag nyong sabihin na ako lang ang may lakas ng loob na sumakay sa mga nakakatakot na Rides?"

Rochel: "Bakit Jett? Alin sa mga nakakatakot na Rides ang mga nasakyan mo na?"

Jett: "Pendulum Boat Ride, Drop Tower. Roller Coaster at Horror Train. Hindi isang sasakyan pero Horror house napasok ko na rin."

Rochel: "R-Roller Coaster?"

Aileen&Carl: "Pedulum Boat Ride?"

Albert: "Horror Tain?!"

Lyrica&Reysha: "Drop Tower?!"

Archie: "Grabe ka Jett!! Hindi ka ba nagbibiro?!! Eh mga ayaw kong sakyang Rides ang mga nabanggit mo!!"

Jett: "Kaya nga eto ang nakaka-excite sa isang date eh. Dito natin malalaman ang tunay na ugali ng mga ka-date natin kapag sila ay natakot. Kaya naman, hinahamon ko kayo sa isang, Face-your-Fear challenge!!"

Archie: "Face-Your-Fear challenge?!! Bakit naman kami papatol sa hamon mo? Eh....pwede naman kami makapag-enjoy kahit na hindi kami sumakay sa mga Rides na ayaw naming sakyan!!"

Jett: "So, ibig sabihin, sa buong buhay ninyo, mananatili na lang kayong takot at iiwasan ang mga Rides na iyan?!!

Carl: "Sino sinasabihan mong takot?!!! Sa tingin mo, natatakot ako sa mga sinakyan mo?!! Pwes hindi!!"

Jett: "Eh di pumunta na tayo sa Horror train bilang warm-up sa mga ngala-ngala ninyo!!! Ang hindi sumunod, MGA DUWAG!!!! HAHAHAHA!!!!"

Sabay alis ni Jett at dumiretsong pumila sa Ticket booth ng Horror Train. Tila nag-alangan ang mga mga kaibigan ni Jett sa kanyang sinabi. Ngunit dahil sa sinabihan silang mga duwag, sumunod sila sa pila at pagpasok nila, sumakay sila agad sa Train. Nang umandar na ang Train papasok sa loob ng Artificial cave, nagsilabasan at nanggulat ang mga staff na naka-costume ng multo.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon