CHAPTER 55: CHRISTMAS PARTY PT. 1

31 5 0
                                    

Makalipas ang ilang araw matapos makontrol ni Jett ang kanyang kapangyarihan, dumating na rin ang araw na hinihintay ng lahat ng mga Estudyante. Ang araw ng kanilang, Christmas Party.

Abala sa pagsasa-ayos ng mga upuan ang ilang estudyante at ihinahanda na rin ng ilan ang Videoke na nirentahan ni Marika. Sila Rochel, Lyrica at Aileen naman, inaabisuhan ang lahat ng mga estudyante na ilagay sa mesa ang kanilang mga regalo. Ang mga lalaki naman, tinutulungan si Marika na buhatin ang mga Case ng Softdrinks papunta sa loob ng kanilang kuwarto. Napansin ni Reysha na hindi pa dumarating sa eskwelahan si Jett kaya tinanong nya sila Rochel at Aileen.

Reysha: "Rochel? Dumating na ba si Jett sa School?"

Rochel: "Hindi pa. Bakit?"

Aileen: "Aaaaiiiyyyyeeeee!!!!! Nag-aalala na naman siyaaaaaaa!!! Hindi sya mapakali kapag hindi nakikita si Jeeeeett!!!"

Reysha: "Aileen!!! Tumigil ka nga!! Pwede?!!"

Rochel: "Haha!! Baka namimiss mo na sya agad?"

Reysha: "Ewan ko sa inyo!!"

Aileen: "Hihihihi!!!

Reysha: "Uy!! Teka!! Rudolf!! Nakita mo ba si Jett?!"

Rudolf: "Si Jett ba kamo? Sa pagkaka-alala ko, nakita ko sya sa Downtown at natataranta sa kung anu ang kanyang bibilhin na regalo. Hindi nga sya mapakali eh."

Reysha: (Natataranta sa bibilhing regalo? Baka naman si Miss Marika ang nabunot nya at nahihiya syang bigyan ng mumurahing regalo?)
"Ah...OK. Salamat Rudolf."

Rudolf: "OK!"

Aileen: "Rudolf sandali?!! Kamusta si Santa?!"

Rudolf: "Pwede ba?!!!! Hindi ako Reindeer!!!!!!! At HUWAG nyo akong tanungin!!!! Jan na nga kayo!!!!!!!"

Umalis ang kaklase nila mula sa harapan ng Classroom dahil sa pangungutya ni Aileen. Sakto namang dumating sila Marika, Lyrica at ang mga Boys, ngunit hindi pa rin nila kasama si Jett.

Agad ipwinesto ng mga lalaki ang dala nilang mga Case ng Softdrinks at mga pagkain sa mesa pati na ang mga dala nilang Regalo. Ilang minuto na lang, sisimulan na ni Marika ang kanilang Christmas Party. Sakto din namang dumating si Jett ngunit tila malungkot ito dahil wala syang dalang kahit na anumang regalo.

Reysha: "Jett?! Anung nangyari sayo? Bakit wala kang dalang regalo?"

Jett: "Badtrip nga eh. Wala akong nabili."

Reysha: "Bakit naman?"

Lumayo ng tingin si Jett at agad itong umupo sa sulok. Napansin ni Reysha na nahihiya si Jett sa taong reregaluhan nya dahil sa wala syang nabili na kahit na anu. Kaya nanahimik na lang ito.

Marika: "Guys!! Alas Otso na!! Simulan na natin ang Party!!!! Rebecca!! Lead the prayer!!"

Pumunta sa harap ang kaklase nila, at nagdasal para sa kanilang Christmas party. Pagkatapos ng dasal, agad ng sinimulan ni Marika ang kanyang palaro.

Marika: " Guys!!! Simulan na natin ang ating Parlor games!!!! Ang una nating lalaruin ay "Bring Me!" Ang unang makapagbigay sa akin ng bagay na pinapahanap ko ay bibigyan ko ng Premyong 100 pesos!!! Kaya, Bring me.........."

Nakaabang ang mga estudyante sa sasabihin ni Marika. Nakahanda na rin ang mga magkakaibigan sakaling banggitin na ni Marika ang bagay na kanyang naisip. Hanggang sa binanggit na ni Marika ang bagay na kanyang ipapahanap.

Marika: " Isang Orange na Hanger!!!!"

Agad kumaripas ng takbo ang mga estudyante ni Marika upang maghanap ng Hanger. Maya't maya dumating ang isang lalaking estudyante, dala ang hiniram na Hanger ng Guard mula sa Guard house at ibinigay kay Marika. Nadismaya naman ang mga magkakaibigan sa bilis ng pagdating ng kanilang kaklase.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon