Matapos mapagplanuhan ng mga magkakaibigan ang kanilang gagawin upang tulungan si Reysha na pansamantalang makalimutan ang pag-hahanap nito kay Jett, naisip nila Archie at Rochel na bantayan si Reysha sa bawat kilos nito sa buong linggo. Maliban lang sa tuwing may gagawin si Reysha sa Student Government Organization, kung saan miyembro si Reysha at may Meeting ang mga ito.
Sa araw na ito, nababagot na si Archie at Rochel sa pagbabantay nila sa labas ng SGO office.
Archie: "Hay...nakakabagot palang maghintay dito sa labas ng office ng SGO. Matagal na naman matatapos ang meeting nila."
Rochel: "Kaya nga eh. Sa tingin mo? Anu kaya pinag-uusapan nila?"
Archie: "Siguro mga mangyayaring events na naman dito sa school. Pero mas OK na rin yun kaysa sa paghahanap kay Jett ang atupagin nya."
Sandaling tumahimik si Rochel nang may mapansing kakaibang tono si Rochel kay Archie. Ngunit ikina-walang bahala na lang nya ito.
Rochel: "Archie, may mga magagandang events ba dito sa school kapag may pa-event sila?"
Archie: "Ah Oo!! Tulad na lang ng.......AH!! Oo!! Tama!!! Sa susunod na linggo gaganapin na naman dito ang Mr. And Miss Teen Selma Pageant!!! Sigurado ako, bukas maghahanap si Miss Marika ng representative na isasali sa contest na iyon mula sa Section natin!!!"
Rochel: "Talaga?!! Mukhang magiging masaya yun!!"
Archie: "Oo!! Magiging masaya talaga yun!!"
Rochel: "Parang na-eexcite na akong mapanood ang mangyayaring event!"
Archie: "Oo na. Pero sa ngayun, yung pagbabantay muna ang gagawin natin."
Rochel: "Speaking of pagbabantay, mukhang tapos na sila magmeeting."
Lumabas mula sa SGO room ang mga members nito at tila hindi natutuwa si Reysha ng makita sina Archie at Rochel sa labas ng kanilang room.
Reysha: "Haaaaayyy.......nandito na naman kayo? Bakit parang kada matapos ang meeting ng SGO, kayo ang unang nakikita ko?"
Archie: "Eh...nandito kami ni Rochel, para kamustahin ka na naman ulit."
Rochel: "Oo. Tama ang sinabi nya. So, kamusta ang tulog mo, Reysha?"
Reysha: "OK naman at para sabihin ko sa inyo, hindi ako lumabas ng bahay kagabi. Hindi nyo na ako kailangang bantayan pa."
???: "Anu? May nagbabantay sayo, Reysha?"
Reysha: "Nolan, wala. Usapan lang namin na magkakaibigan lang ito."
Rochel: "Ahh....Archie? Sino sya?"
Archie: "Siya si Nolan. Siya ang SGO President."
Rochel: "Talaga?!! Etong poging matangkad na nakasalamin ang SGO President?!"
Nolan: "Tama ka Miss Sanches. Tsaka alam ko rin na isa kang Transfer student dito sa school. Kaya ikinagagalak din kitang makilala."
Reysha: "Oo na, Nolan. Wag ka ng makisawsaw. Akala ko ba may gagawin ka?"
Nolan: "Oo. May gagawin nga ako at gagawin ko na ngayun. Guys, next week may magaganap na event dito sa school at dapat pumili na kayo ng contestant na ibabala nyo sa Mr. And Miss Teen Selma High Pageant. Kaya inaasahan naming may isasali kayo ha?!!"
Reysha: "Nolan!! Bakit mo sinabi sa kanila ang magaganap na event?!! Dapat mga Teachers ang magsasabi nun!!"
Nolan: "Eh panu nakagawian ko na eh. Hahaha!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...