Kinagabihan, Abala si Tyler sa paghahanda ng kanyang mga gagamiting armas para i-raid ang isang lumang building malapit sa bungad ng siyudad. Nang may mapansin si Tyler na may nagmamatyag malapit sa bakuran ng kanyang tinutuluyang bahay.
Lumapit si Tyler sa bakuran at itinutok nya ang kanyang baril tsaka sya dahan-dahang lumapit upang tignan ang kabilang gilid ng bakod. Nang biglang humarap si Tyler at itinutok ang baril, nagulat at sumigaw din si Reysha.
Reysha: "AAAAHHH!! Please!!! Wag nyo po akong babarilin!!!!!"
Tyler: "Ayy!!! Jusko!!!!! Reysha?!!! Anung ginagawa mo dito?!!!"
Nagulat din si Tyler ng makita nya rin si Reysha na nagtatago sa kabilang gilid ng bakod. Dahil sa nagtataka si Tyler kung paano sya natagpuan ni Reysha, ibinalik ni Tyler ang kanyang baril sa kanyang bulsa at tinanong si Reysha.
Tyler: "Reysha, hindi na nakatutok sayo ang baril. Ngayon, anung ginagawa mo dito at paano mo ako nahanap?"
Reysha: "Ahh....una po, Mr. Tyler, naparito po ako para sumama sa gagawin nyo po ngayung gabi. Pangalawa po, nahanap ko po etong nirerentahan nyo pong bahay gamit po ang GPS ng cellphone nyo, nakabukas po kasi. At pangatlo po, kailangan ko po ang tulong nyo dahil baka kayo lang po ang may ideya kung pano po nawala si Jett."
Tyler: "OK. Sabi mo sasama ka sa akin sa misyon namin? Pwes, sorry, hindi pwede. Pangalawa, matalino ka din at nagawa mo akong mahanap gamit ang GPS ko sa cellphone mo. Sige sa ngayun hahayaan ko yan ginawa mo at baka mapakinabangan ko ang talino mo sa tracing. Pangatlo, jan na ako naguguluhan, sabi mo nawawala si Jett? Bakit siya nawawala?"
Ipinaliwanag ni Reysha ang nangyari kaninang hapon sa kanilang school kung saan napag-alaman nila mula sa kapatid ni Jett na nawawala ito. At pati na rin ang kawalan ng mga ebidensya sa lugar kung saan sya nawala.
Tyler: "Ba't di mo na lang hayaan sa mga pulis ang paghahanap sa kanya? Baka hinila sya gamit ang bisekleta."
Reysha: "Mr. Tyler, hindi po ito biro!! Talagang may kutob po ako na hindi ordinaryong mga tao ang mga kumuha po sa kanya!! Pakiusap naman po!! Isama nyo po ako sa misyon nyo!! Baka kinuha syang hostage ng mga mangkukulam!!"
Tyler: "Oh sige. Paano mo masasabi sa akin ngayun na hinostage si Jett ng mga mangkukulam?! Sa anung dahilan nila gagawin yun?!"
Reysha: "Eh.....anu po.......baka....."
Tyler: "Baka ano?"
Reysha: "Uhhmm......"
Walang maisip na dahilan si Reysha kung bakit kukunin si Jett ng mga Mangkukulam. Hindi naman kumbinsido si Tyler dahil sa walang masabi si Reysha na dahilan. Ganun pa man, idinahilan pa rin ni Reysha ang kanyang kutob.
Reysha: "....May kutob po ako, Mr. Tyler..... Yan na lang po ang mapanghahawakan ko pong dahilan...."
Tyler: "Hay....pambihira ka oh. Alam mo, gusto ko sanang tulungan ka sa paghahanap kay Jett. Pero kung kutob mo lang ang idadahilan mo sa akin, malabong makatulong yan sa paghahanap sa kanya. Mabuti pa umuwi ka na sa inyo at may importanteng lakad pa ako."
Dahil sa inis at pag-aaksaya ng oras ni Reysha kay Tyler, agad itong sumakay at pinaharurot ang kanyang kotse palayo sa tinutuluyan nyang bahay. Wala namang nagawa si Reysha kundi ang pagmasdan ang paalis na sasakyan ni Tyler at naglakad paalis.
Pauwi na sana si Reysha ng maisip nyang dumaan na muna sa bahay ni Marika nang mapadaan sya sa harap ng bahay nito. Agad nyang pinindot ang doorbell ng bahay ni Marika. Nagtataka namang binuksan ni Marika ang pinto nang makita nya si Reysha.
Marika: "Reysha?! Gabing-gabi na ah!! Anung ginagawa mo dito?"
Malungkot at halos mangiyak-iyak na si Reysha ng makita sya ni Marika. Kaya pinapasok nya ito sa loob ng kanyang bahay.
Pagpasok nila sa bahay kung saan pinaupo ni Marika si Reysha sa sala, tinanong nya ito kung bakit sya bumisita sa kanila ng gabi. Sakto naman, tapos nang magtimpla ng iinuming gatas si Rochel at nakiupo na rin sya sa sala.
Marika: "Reysha? May problema ka ba? Sabihin mo lang sa amin kung may dinaramdam ka."
Reysha: "Ma'am, sinubukan ko pong hanapin si Jett ngayun. Nagbakasakali po ako na baka mahanap ko po sya."
Rochel: "Hinanap mo sya sa daan kanina?"
Reysha: "Hindi, Rochel. Sinubukan kong humungi ng tulong kay Mr. Tyler. Baka sakaling makatulong sya."
Rochel: "Reysha, ba't kay Mr. Tyler ka humingi ng tulong? Anu bang naisip mo?"
Marika: "Kaya nga, Reysha. Ba't kay Tyler ka humingi ng tulong? Eh alam mo namang linya nya ang paghahanap sa mga mangkukulam at hindi sa nawawalang tao."
Reysha: "Ma'am, Rochel, may kutob po kasi ako ng hindi mga ordinayong tao ang mga kumuha kay Jett. Kaya sa kanya po ako lumapit. Pero..."
Marika: "Hindi sya naniniwala sayo dahil sa kutob mo. Tama ba?"
Nagulat si Reysha sa sinabi ni Marika dahil sa tila kabisado na ni Marika ang ugali ni Tyler.
Reysha: "O-Opo. Ganun nga po yun."
Marika: "Girls, makinig kayo. Tayong mga babae, kapag may kutob tayo sa isang bagay, siguradong totoo ang hinala natin. Gaya na lang noong kami pa ni Tyler noong nasa high school pa kami, may kutob ako noon na may nangyayaring hindi maganda kay Tyler noon. Hanggang sa totoo nga ang kutob ko kung saan may tama pala ng saksak noon si Tyler at itinakbo namin sya sa ospital. Kaya mula noon, naniwala ako na malakas at totoo ang kutob nating mga babae. Kaya, naniniwala ako sa kutob mo Reysha."
Reysha: "Kung ganun po, anu po dapat nating gawin kung sakaling may kutob po akong may nangyayaring masama sa kanya? Kinakabahan na po ako."
Lumapit si Marika at tumabi sya kay Reysha tsaka nya niyakap ito upang mahimasmasan si Reysha.
Marika: "Reysha, kung sobra kang kinakabahan sa sarili mong kutob, ang maipapayo ko sayo ay ipagdasal mo na wala sanang nangyayaring masama ngayon ka Jett. Kailangan mong maniwala na mahahanap natin sya. At makikita pa natin syang ligtas."
Rochel: "Oo, Reysha. Tama si Miss Marika. Mahahanap at makikita pa natin si Jett. Kaya wag kang mapanghinaan ng loob."
Marika: "Kung ganun, Rochel. Lapit ka na din dito. Kailangan ni Reysha ng group-hug nating dalawa."
Lumapit at nakiyakap na din si Rochel kila Marika at Reysha. Napagaan naman nila ang loob ni Reysha ngunit may bahid pa rin sya ng pag-aalala kay Jett.
Reysha: "Miss Marika, Rochel. Salamat po talaga. Napagaan nyo po ang pakiramdam ko. Pero pasenya na rin po, kasi nag-aalala pa rin po ako kay Jett."
Rochel: "Wala lang yun, Reysha. Magkaibigan tayo di ba?"
Reysha: "Oo, salamat, Rochel."
Marika: "Kung nag-aalala ka pa rin kay Jett, eh di subukan nating tawagan ulit si Tyler at kausapin sya para mapanatag ang loob mo."
Reysha: "Opo. Miss Marika. Salamat po."
Matapos ang masinsinang pag-uusap nila Reysha, Marika at Rochel, agad tinawagan ni Marika ang cellphone number ni Tyler. Ngunit hindi ito sumasagot. Kaya itinext nya na lang ito na makipagkita sa harap ng bahay ni Marika upang sya ay makausap nilang tatlo.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Novela Juvenil***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...