CHAPTER 36: PAGLIGTAS

35 4 0
                                    

Nang magpakita ang Mangkukulam na si Zarina sa tatlo, lalong nagalit si Reysha sa sinabi nito. Kinabahan naman sila Lyrica at Albert dahil ito ang unang beses na mapapalaban sila sa isang tunay na Mangkukulam.

Reysha: "Hindi mo kami hahayaang makalabas dito ng buhay?!!!! Kung ganun, PABABAGSAKIN KITA KUNG KINAKAILANGAN PARA MAKAALIS KAMI DITO NG BUHAY!!!!!"

Albert: "Reysha!! Huminahon ka!! Wag kang magpapadala sa sinasabi nya!! Baka kasing lakas din sya nung Saturna na nakaharap natin noon!!"

Zarina: "Nakaharap nyo si Saturna? Kung ganun, kayo pala yung mga tinutukoy nyang mga batang paslit na mahihina."

Reysha: "A-ANUNG SINABI MO?!!!"

Lyrica: "Kung mahihina kami, bakit kinailangan nyo pang lagyan ng mahikang pangontra sa pagpapagaling si Jett?"

Reysha: "Lyrica?!! Anung sinasabi mo?!!"

Albert: (Oo nga! Tama sya!! Kung kaya nila kaming tapusin sa isang iglap lang, kasama si Jett. Bakit kinailangan nilang lagyan ng pangontra sa pagpapagaling si Jett?)

Reysha: "Lyrica?!!!! Hindi mo ba narinig ang sinasabi nya?!! Minamaliit nya tayo?!!!!!"

Albert: "Reysha, hayaan mo muna si Lyrica. At pakinggan muna natin ang pag-uusapan nila."

Reysha: "A-Anu?! Pero bakit?!!!"

Zarina: "Bakit nyo ninanais pang malaman ang dahilan kung bakit ko nilagyan ng mahikang pangontra ang kaibigan nyo?"

Lyrica: "Dahil kung mahihina kami gaya ng sinabi ni Saturna, di ba dapat mahina din si Jett, tama ba ako?"

Tila tumahimik at nairita si Zarina sa tanong ni Lyrica. Kung kaya't sinagot din nito ang tanong.

Zarina: "Mukhang matalino ka rin bata at napansin mo din pala kung bakit nilagyan namin sya ng pangontra sa pagpagpapagaling. Total, mamatay na rin lang naman kayong lahat, ipapaliwanag ko sa inyo."

Tinitigan ng masama ng tatlo si Zarina. Ganun pa man, nag-iisip na rin sila ng paraan kung paano nila ito matatakasan o matatalo ang Mangkukulam na ito.

Zarina: "Kaya namin sya nilagyan ng pangontra ay dahil sa aksidente nyang nailabas ang kanyang kapangyarihan noong nangangalahati na kami sa pagkuha ng kapangyarihan nya. Nabigla kaming lahat ng nagawa nyang makatakas sa dati nyang kulungan. Nagawa rin nya kaming pahirapan kahit na unang beses nya palang magamit ang kapangyarihan nya, ngunit di rin nagtagal ang lakas nya at bumalik din sya sa normal. Kaya naman pinahirapan namin sya at nilagyan sya ng pangontra upang manatili syang mahina. Ngayung alam nyo na ang nangyari, hindi ko kayo hahayaang makaalis pa dito upang ilayo at pagalingin ang lalaking yan!!!!"

Albert: (Nagawa silang pahirapan ni Jett?!! Silang tatlong Mangkukulam?!!)

Reysha: (Kung ganun, Takot sila sa kapangyarihang taglay ni Jett!!! At takot din sila na balikan sila oras na gumaling sya!!!)

Lyrica: (Ganun ba kalakas ang kapangyarihan ng Minokawa? Kung silang tatlo ang nagtulong-tulong upang matalo si Jett at hindi pa nila ito natalo, ibig sabihin may pag-asa pa kaming matalo sila kung maitatakas namin si Jett ngayun.)

Zarina: "Ngayon!! Patatahimikin ko na kayong mga—"

Biglang ginamit ni Reysha ang kanyang telekinesis at pinatalsik lahat ng mga nakaharang na kalaban sa butas, maliban kay Zarina. Kasabay naman ng pagpapatalsik ni Reysha sa mga alalay ni Zarina, agad pinasabugan ng malaking bolang apoy ni Lyrica si Zarina kung saan gumamit ito ng Barrier upang salagin ang bolang apoy ni Lyrica.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon