CHAPTER 12: SPIN-THE-BOTTLE

39 10 0
                                    

Dalawang araw matapos mailipat ng mga miyembro ng Camera club ang mga gumaganang gamit mula sa dati nilang kuwarto, sa ngayun ay walang ginagawa ang mga magkakaibigan dahil sa wala pang bagong event na magaganap sa kanilang school.

Lunabelle: "Hay....ang boring naman. Wala man lang magawa. Lyrica, anu sa tingin mo ang pwede nating gawin?"

Lyrica: "Hindi ko alam, Lunabelle. Wala din akong maisip."

Albert: "Kung mag-damath na lang ulit tayo?"

Aileen: "Albert, sawa na kami ni Beshy magdamath. Wala ka na bang ibang maisip na nakaka-excite?!"

Albert: "Nakaka-excite? Tulad ng alin?"

Carl: "Pusoy?"

Aileen: "Carl! Ikaw lang naman ang na eexcite sa sarili mong laro!! At laging ubos ang pera namin sa tuwing ikaw ang nananalo!!!"

Archie: "Kaya nga eh. Si Carl lang naman ang natutuwa kapag naglalaro tayo ng Pusoy! Mag-isip naman kayo ng mapaglilibangan na hindi lagi si Carl ang nananalo."

Rochel: "Alam ko na!! Siguradong nakakatuwa to!!"

Lunabelle: "Anu yun, Rochel? Anu naisip mo?"

Rochel: "Maglaro kaya tayo ng "Spin-the-bottle"?"

Aileen: "Ah! Oo. Tama!! Ang galing mo, Rochel!!" (Ang galing mo, Rochel!! Dahil sa larong ito, mabubulgar na kung anu ang tinatagong sikreto ng mga kasama natin. Maliban lang kay Jett na absent na naman sa klase.)

Lunabelle: "Spin-the-bottle? Sige!! Game ako jan!!"

Lyrica: "Hindi ako sigurado sa laro, pero sige!! Susubukan ko."

Rochel: "Kayo, Boys? Sasali ba kayo? O takot kayong malaman namin ang mga sikreto nyo?"

Carl: "Nang-iinsulto ba kayo?! Wala akong sikretong itinatago!!"

Albert: "Ako din!! Wala akong sikreto!! Kaya game din ako sa naisip nyong laro!!"

Tinitigan naman ng masama ni Rochel si Archie kaya pumayag din lang ito.

Lunabelle: "OK!! Simulan na natin!!! Ako na ang unang mag-spin!!

Carl: "Wow!! Grabe!! Ang bilis nyo nakahanap ng bote ha? Parang gusto nyo kaming mapahiya na mga lalaki."

Pinaikot na ni Lunabelle ang bote at itinuro nito si Lyrica.

Lunabelle: Lyrica, Truth or dare?!"

Lyrica: "Uhh...dare?"

Lunabelle: "Kung ganun, BATUKAN MO SI CARL!!!"

Carl: "Hoy!! Teka?!! Anung klaseng Dare yan?!! Ba't nya ako babatukan?!!"

Lunabelle: "Kasi, inubos mo ang mga barya namin noong nagpusoy tayo!!!"

Carl: "Teka?!! Ginagamit nyo ba ang larong to para gantihan ako?!!"

Lunabelle: "Tama na ang satsat!!!! Batukan mo na, Lyrica!!!"

Lyrica: "S-Sorry, Carl."

Agad binatukan ni Lyrica si Carl sa ulo.

Carl: "Grabe!! Kayo!! Hindi makatarungan to!!"

Aileen: "OK! Ako naman!"

Pinaikot ni Aileen ang bote at itinuro si Rochel.

Aileen: "Rochel, Truth or Dare?"

Rochel: "Truth."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon