CHAPTER 67: LIFEGUARD

28 4 0
                                    

Samantala, matapos paalisin ni Marika ang mga kasamahan nilang lalaki sa kanilang Shade, nakahanap naman ang mga ito ng masisilungan sa ilalim ng puno ng mangga.

Archie: "Hay.....buti na lang nakahanap tayo ng mas maganda at mas preskong masisilungan. Hindi gaya sa Shade na nirentahan natin, mas mainit dun."

Albert: "Oo nga, Insan. Mas malamig ang simoy ng hangin dito."

Carl: "Hindi man tayo nakapaglagay ng sunblock, mas presko naman dito sa hinihigaan natin. Kaya buti nga sa kanila!!"

Tyler: "Tsaka libre din ang miryenda natin dito dahil may bunga din itong puno na nasilungan natin."

Nell: "Buti nagustuhan nyo dito sa pwesto namin, mga Bruh."

Rhett: "Tsaka may dala kaming sawsawan na alamang dito. Gusto nyo makisalo?"

Albert: Oo, Rhe-!"

Nagulat ang magkakagrupo nang makita nilang kasama pala nila sila Rhett at Nell na kumakain ng mangga, sa sanga ng puno.

Carl: "Teka?!!! Kanina pa ba kayo jan?!!!"

Rhett: "Oo. Kanina pa. Ngayon mo lang ba kami nakita? Sa katunayan nga nakarami na kami ng pitas sa mga bunga dito."

Tyler: "Aba!! Sakto!! Pahingi kami!!"

Nell: "Sige mga Bruh!"

Habang nasa itaas ng puno at pumipitas ng mangga ang dalawa, biglang mabali ang sangang inaapakan ni Nell at sumabit sa matulis na kahoy ang kanyang kanang binti tsaka siya nahulog.

Nell: "AAAAAWWW!!! ARAAAAY!!! ANG SAKIT!!!!! Bruh.....!"

Rhett: "Nell!!! Ayos ka lang?!!! Hindi ka ba nabalian?!!"

Nell: "Hindi Bruh..! Pero ang sakit ng binti ko!!!"

Archie: "Rhett!!! May malalim na hiwa sa binti nya!!! At marami ding dugo!!!"

Albert: "Insan!! Anung gagawin natin?!!"

Rhett: "Guys!!! May nakikita akong malapit na Lifeguard outpost mula dito sa itaas!!! Pakidala nyo dun si Nell!!!! Tsaka bababa na ako ng puno!!"

Carl: "Rhett!!! Saang direksyon ang Lifeguard outpost?!!"

Rhett: "Dun sa kaliwa!!"

Carl: "Sige!! Dadalhin na namin sya doon!!!

Tyler: "OK boys!! Buhatin nyo na si Nell!!"

Binuhat ng mga lalaki si Nell na may malaking sugat sa binti. Sumunod naman si Rhett sa kanila, pagbaba nya ng puno. Pagdating nila sa Lifeguard outpost, natulala ang mga lalaki nang makita nila ang isang napakaseksing babaeng Lifeguard na nakasuot ng orange One-piece swim suit na nagbabantay sa outpost at pinabayaan ang nag-iingay sa sakit na si Nell.

Nell: "Aray!!! Ang sakit!! ARAAAY!!! Hindi nyo ba ako ibababa?!!!!"

???: "Ahh....Anung nangyari sa kanya?!"

Tyler: "Huh?! Ah sino?"

Carl: "Oo nga po? Sino?"

Archie: "Tsaka sino rin po kayo? Anu pong pangalan nyo?

Nell: "Siyempre ako mga BRUH!!!! Ako ang tinatanong nya!!!!"

Albert: "Ay!! Sorry!! Hindi ka na namin namalayan, Nell. Ang ganda kasi ni Ma'am."

Carl: (At napakaseksi nya!!)

???: "OK, Boys, pwedeng pakiupo sya sa upuan ng makita ko kung anung nangyari sa kanya. Tsaka ako din pala si Diana. Lifegurad dito sa resort na ito.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon