CHAPTER 39: ANG LOLA NI JETT

30 3 0
                                    

Matapos maipasok si Jett sa Operating room, sakto naman dumating ang kapatid ni Jett na si Marco at nagpasalamat ito kay Marika dahil sa pag-abiso sa kanya sa text. Habang kasagsagan ng operasyon, pumunta at nagbayad sa Cashier ng Ospital si Marco ng renta sa Ward na hihigaan ni Jett at pinili nyang ilagay si Jett sa Public ward ng Ospital.

Ngunit may isang pamilyar na panauhin ang biglang dumating at sinabihan si Marco na patuluyin si Jett sa Private ward ng Ospital. Laking gulat naman ng mga kaibigan ni Jett at si Marika sa kanilang nakita.

Sura: "Hoy!!! Marco!! Asan na yan kapatid mo ha?!! Saan sya inilagay?!!!!"

Marco: "Lola!! Nasa Operating room palang sya!!! Tsaka ilayo nyo nga yan Shotgun nyo!!!! Bawal dito yan!!!"

Sura: "Sino nagsabing bawal ha?!!! Dadalhin ko itong Shotgun na ito, saan man ako magpunta!!!! Tignan mo nangyari sa kapatid mo?!!!! Kinidnap sya ng mga Buwisit na Holdapper na iyan!!!!"

Marco: "Lola, Kidnapper po!! Hindi Holdapper!!! Ilang beses ko ba ipapaliwanag sa inyo na kidnapper po ang kumuha sa kanya!!!"

Sura: "Ay! Basta!! Hindi ko tatanggalin sa kamay ko ang sandata ko!! Baka mamaya may dumating na masasamang loob at kunin na naman nila yung apo ko!!!"

Marco: "Hay.....bahala nga kayo."

Marika: "Uhhh....M-Marco? L-Lola mo si Ma'am Sura?!!"

Marco: "Magkakilala kayo?"

Marika: "Eh...sya kasi ang Head Teacher namin sa pinagtratrabahuhan kong School."

Sura: "Marika?! Anung ginagawa mo dito sa Ospital?!"

Marika: "Eh...Ma'am, kasi po, kami po ang nakahanap sa kanya at dinala namin sya dito sa Ospital."

Sura:" "Kami"? Sinong "Kami"? "

Tyler: "Madam. Ako po ang nakahanap sa apo nyo."

Sura: "Ikaw ba yung Holdapper?!!!"

Itinutok ng matanda ang dala nyang shotgun kay Tyler dahil sa akala nyang ito ang kumidnap kay Jett.

Tyler: "T-Teka po?!! Madam!! Hindi po ako ang kumidnap sa apo nyo!!!!"

Sura: "EH MUKHA KA KASING HOLDAPPER!!!!! KUNG GANUN, SINO?!!!! IKAW BA YUN HA?!!!"

Marika: "Madam!!! Anu ba kayo?!!! Hindi nga po ako!!! At ilayo nyo nga po sa amin ang baril nyo!!!"

Sura: "Kung hindi ikaw, IKAW SIGURO NA NAG-LALAKAD JAN SA GILID!!!!!"

Nurse: "Jusko!! Wag po!!!! Ginagawa ko lang po ng tama ang trabaho ko!!!!!! Wala po akong ginagawang masama!!!"

Sura: "Kung hindi kayo ang mga Holdapper na kumuha sa apo ko, SINO?!!!! SINO ANG BUWISET NA MGA TAONG IYAN?!!!!!!

Civilian 1: "Lahat kayo!!!! Tumakbo na kayo!!!! May nag-aamok na MATANDA!!!!!!"

Civilian 2: "AAAAAAAAHHH!!!!!"

Civilian 3: "TAKBOOO!!!!"

Nagsigawan at kumaripas ng takbo ang mga tao sa Ospital. Inakala naman ng mga Guard na may nangyayaring Terorismo sa loob ng Ospital. Ngunit lumapit si Marco at kinuha ang baril ng matanda tsaka isinurender sa mga Guard ng Ospital tsaka sya humingi ng tawad dahil sa panggugulong nangyari.

Napangiwe naman sila Tyler, Marika at ang mga kaibigan ni Jett.

Archie: "Guys, ngayun alam ko na kung kanino nagmana ng pag-uugali si Jett."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon