Habang nag-aagahan si Reysha sa labas ng Ospital at naghihintay si Jett sa kanyang Private room. Isang hindi inaasahang panauhin ang kumatok sa pinto ng kuwarto at pumasok sa loob ng kuwarto ni Jett.
Jett: "M-Mrs. Sura?! A-Anung ginagawa nyo po dito?!"
Sura: "Jett, hindi mo man lang ba ako babatiin?"
Jett: "Good morning po?" (Anung ginagawa kaya nya dito? Nandito ba sya para bisitahin ako?)
Sura: "Good morning din."
Jett: "Ahhh......mabalik po ako sa tanong ko po sa inyo, anu pong ginagawa nyo po dito sa Ospital?"
Sura: "Nandito ako para bisitahin ang aking apo ko."
Jett: "Apo nyo?" (Hala!! Nag-uulyanin na ata. Baka akala nya ako yung apo na hinahanap nya.)
Sura: "Oo. Apo ko. At ikaw yun Jett. Ang matagal ko nang hindi nakikilalang apo."
Jett: "A-ANU?!!!"
Nagulat si Jett sa kanyang narinig dahil sa sinabi sa kanya ng matanda na sya ang matagal na nitong hinahanap na apo. Labis na naguluhan si Jett at nahihirapang pagtantuhin ang kanyang narinig.
Jett: "S-Sigurado ba kayo?! Baka nasa kabilang ward ang apo nyo?! Tsaka ano......... Wala naman pong sinasabi si Kuya na may Lola pa kami...."
Sura: "Diretsuhin na kita para maintindihan mo, yan Kuya mo kasi may pagka-makitid din ang Utak at ayaw pa rin akong ipakilala sa inyo ng Ate mo. Sa kabila ng pagkamatay ng bunso kong anak na lalaki at ng manugang kong matalino, pinili pa rin sundin ng Kuya mo ang inutos ng Nanay mo na wag akong ipakilala sa inyo ng Ate mo, bago sila namatay sa aksidente. Eh....Kung hindi sana naging matigas ang ulo ng Kuya mo, eh di sana buhay pa ang Ate mo!!!! Bakit?!! Pababayaan ko ba ang sarili kong mga apo sa oras na makilala nyo ako?!!!! Yan ang malaking pagkakamali ng Kuya mo!! Tapos ngayun, ikaw ang biglang na-Ospital, bigla naman syang humingi ng tulong sa akin!! Kaya sobrang sama ng loob ko sa Kuya mo!!"
Jett: (Ibig sabihin, sinunod ni Kuya ang Pride nya, sa kabila ng pagboboluntaryong pagtulong ni Mrs. Sura para sa amin?!! Nakakainis ka talaga, Kuya!)
Matapos magsalita ng matanda, tumahimik bigla si Jett dahil sa ngayon nya lang nadiskubre ang tunay na dahilan kung bakit hindi man lang nila nakilala ang kanilang Lola na dapat ay tutulong sa kanila noong panahong naghihirap at kapos sila sa pamumuhay. Sumama naman ang loob ni Jett sa kanyang Kuya matapos marinig ang sinabi ng matanda. Hanggang sa may maisip itanong si Jett.
Jett: "Mrs. Sura, sabihin nyo po, anu ang dahilan kung bakit ayaw kaming ipakilala sa inyo ni Mama?"
Sura: "Dahil yun sa nagkaroon kami ng alitan ng Nanay mo dahil sa naluging business ng tatay mo. Malakas ang minanang business ng Tatay mo. Kung hindi na lang sana nakitulong ang Nanay mo sa business nya. Kaya sya nalugi."
Jett: "Kung ganun, sabihin nyo po sa akin kung bakit may alitan kayo ni Mama?"
Napatahimik ang matanda sa itinanong ni Jett sa kanya. Nag-iisip naman ng sasabihing dahilan ang matanda, ngunit nagsalita muli si Jett.
Jett: "Kayo din naman pala ang may kasalanan."
Sura: "A-Ano?!"
Jett: "Opo. Kayo nga po. Alam ko na kung bakit ayaw kaming ipakilala ni Kuya sa inyo. Dahil alam ni kuya na ayaw nyo sa sarili nyong Manugang. Kaya pinili na lang nya na ilayo kami mula sa inyo."
Muli na namang napatahimik ang matanda sa sinabi ni Jett sa kanya. Hanggang sa naisip na lang niyang sabihin ang totoo.
Sura: "Ang totoo, naiinis ako sa kanya dahil sa kinuha nya mula sa akin ang paborito kong anak. Hindi ko matanggap na nagpakasal ang aking anak sa isang babaeng tindera ng bigas. Kaya ganun na lang ang labis na pagka-inis ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Fiksi Remaja***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...