Sa kasalukuyan, matapos marinig ng lahat ang tunay na dahilan ni Tyler kung bakit nakipagbreak sya kay Marika, biglang dumami ang tanong na namuo sa isipan ng mga babaeng estudyante sa kanyang sinabi.
Aileen: "I-Iniwan nyo po si Miss Marika dahil sa pinilit kayong maging Witch Hunter ng Lolo nyo?"
Rochel: "Bakit po hindi nyo po sinabi kay Miss Marika noon na magiging Witch Hunter po kayo? Sobra po bang delikado ang naging trabaho nyo?"
Lyrica: "Hindi po ba pwedeng mag-asawa ang mga Witch Hunter?"
Reysha: "Mr. Tyler, kapag sinabi nyo po ba ang trabaho nyo kay Miss Marika, mapapahamak po ba sya?
Tyler: "Ah....Girls! Pasensya na. Pero hindi ko kayang sagutin ng sabay-sabay ang mga tanong nyo."
Tahimik at nakatitig naman sa mesa si Marika dahil sa pakiramdam nya ay hindi naging patas si Tyler sa pagpapaliwanag sa kanya. Kaya taimtim na lang syang nakinig sa mga isasagot nya sa mga nagtatanong sa kanya.
Tyler: "OK, Girls. Makinig kayo, sa tanong ni Aileen kanina, Oo ang sagot ko. Pinilit akong maging Witch hunter ng lolo ko upang tugisin ang mga Mangkukulam na matagal na nilang hinahabol. Pangalawa, hindi ko sinabi kay Marika ang tungkol dito dahil posibleng gantihan sya ng mga Mangkukulam, sakaling malaman ng mga ito na may kinalaman sya sa akin. Pangatlo, hindi ako pwedeng manatili sa kanya ng matagal dahil lahat ng malapit sa akin ay mapapahamak. Kaya, pinilit kong nagpakalayo hangga't kaya ko, para hindi sya mapahamak."
Matapos masagot ni Tyler ang mga tanong sa kanya ng mga estudyante ni Marika, tila bahagyang nauunawaan na ni Marika ang dahilan ni Tyler. Ngunit, kahit na hindi sabihin ni Tyler ang tungkol sa pagiging Witch Hunter nito sa kay Marika, napagtanto na rin niya na kasali na sya sa gusot na pinasok ni Tyler dahil sa pag-aaral nya tungkol sa mga Aklat ng unang Babaylan at sa higanteng simbolo. Kaya naman nagsalita na sya tungkol sa mga nalalalaman nya.
Marika: "Tyler, masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa mong pakikipagbreak sa akin noon at sa pagpilit sayo ng Lolo mo na maging isang Witch hunter. Pero kahit na pilit mong inilalayo ang sarili mo para hindi ako mapahamak, para sabihin ko sayo, damay na rin ako sa gulo ng pamilya mo."
Tyler: "A-Anung sinasabi mo, Marika?! Na damay ka na rin sa gulo ng pamilya ko?"
Marika: "Gusto mong malaman? Lyrica, ipakita mo sa kanya."
Lyrica: "H-Ho?! S-Sigurado po ba kayo, Miss Marika?"
Marika: "Kung eto ang makakabuti para maintindihan nya, gawin mo."
Lyrica: "Oh sige po."
Ipinakita ni Lyrica kay Tyler ang mahika ng pagpapalabas ng maliit na bolang apoy sa kanyang daliri. Nagulat naman si Tyler sa kanyang nakita.
Tyler: "Teka?! Mahika ng pagpapalabas ng apoy iyan ah?!! Teka?!! Lahat ba kayo dito sa loob ng Clubroom na ito ay alam na nakakagamit sya ng mahika?!!"
Marika: "Oo, Tyler. Dahil yun sa natagpuan nya ang Aklat ng Mayari na hinahanap mo din."
Aileen: "Ang galing po, hindi po ba, Mr. Tyler? Nakakamangha yung mga ginagawa ni Beshy! Dahil sa natutunan nyang gamiting ang mga mahika sa Libro na nakuha nya."
Tyler: "Pero paano?! Teka? Sandali."
Makinuha si Tyler na isang bagay mula sa kanyang bulsa na tila mukhang orasan at itinapat nya itong inilagay sa mesa sa direksyon ni Lyrica. Maya't maya umikot at huminto ang pangturo nito sa kulay puti na marka ng naturang bagay. Nagtaka naman ang lahat ng mga babae kung anu ang bagay na inilabas ni Tyler.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...