CHAPTER 13: ANG PAGKAWALA

38 8 0
                                    

Matapos marinig ng mga magkakaibigan ang sinabi ni Reysha, naguluhan ang mga ito sa kanyang sinabi dahil sa nawawala raw si Jett. Kaya inalok muna nilang pumasok si Reysha sa loob ng clubroom upang sabihin ang mga detalye.

Archie: "Reysha? Anung ibig mong sabihin na nawawala si Jett?"

Reysha: "Eh.....Hindi ko alam!! Pero habang nasa faculty room ako at tinutulungan ko si Ma'am Marika sa pagchecheck ng mga quiz kanina, biglang dumating ang Kuya ni Jett at tinatanong ang mga Teachers kung may kakilala ba si Jett na mga kaibigan nya kung saan sya nakitulog. Sumagot ako sa Kuya nya na meron, pero sinabi ko din na madalas umuuwi si Jett ng maaga."

Lunabelle: "Matapos mo syang masagot, anu pang nangyari?"

Reysha: "Matapos nun, biglang nataranta ang Kuya nya at sinabi nyang dalawang araw ng hindi umuuwi si Jett sa bahay nila. Tinawagan din daw niya ang Tito nila kung nakitulog ba ito sa kanila, pero wala din sya doon. Tinawagan din nya ang cellphone ni Jett ngunit out-of-coverage daw ito. Tapos yun, tumakbo ako dito para tanungin kayo kung nakitulog ba si Jett sa inyo."

Lyrica: "Pero Reysha, totoo ang sinasabi namin. Hindi nakitulog si Jett sa mga bahay namin. Para mapatunayan na nagsasabi kami ng totoo, pupunta kami lahat sa faculty upang ipaalam sa kuya nya na hindi namin sya tinatago."

Albert: "Oo, tama ang naisip mo, Lyrica. Pumunta tayong lahat sa Faculty at sabihin natin ang totoo."

Upang mapatunayan na nagsasabi ng totoo ang mga kaibigan ni Jett na hindi sya tinatago ng mga ito, nagdesisyon silang pumunta ang mga ito sa Faculty room. Pagdating nila, agad silang pinapasok ni Marika kung saan agad ding nagtanong ang Kuya ni Jett sa kanila. Ipinaliwanag naman ng mga magkakaibigan na ang huling araw na nakita nila ito ay noong naglilipat sila ng gamit mula sa lumang kuwarto nila papunta sa bago nilang kuwarto.

Matapos marinig ang mga paliwanag ng magkakaibigan, tila sobrang napanghinaan ng loob ang Kuya ni Jett dahil napagtanto nito na totoong nawawala si Jett sa hindi malaman na dahilan.

Marco: "Oh! Jusko!! Wag nyo sabihing kukunin nyo na naman sa akin ang isa ko pang kapatid!!"

Marika: "Sir Marco, wag po kayong mapanghinaan ng loob. Mahahanap po natin si Jett. Ang kailangan po nating gawin ay ireport natin sa mga pulis na nawawala sya upang makapagkalat sila ng poster ng mukha nya sa buong bayan."

Marco: "Madam, hindi ko inasahan na mangyayari ito. Noong nakaraan, akala ko umuwi na si Jett sa bahay. Pero kahapon, napa-aga ang uwi ko ng mga alas otso ng gabi. Akala ko maagang natutulog si Jett sa kanyang kwarto kaya kinatok ko sya sa pinto. Pero napansin ko, nakakandado pa ang pinto ng kuwarto nya kaya nagtaka ako, dahil madalas lang niya ikinakandado ang pinto kapag wala pa sya sa bahay. Kaya sinira ko ang pinto ng kuwarto nya at nakita ko na wala siya sa loob. Nataranta ako ng sobra dahil hindi pa sya umuuwi. Hanggang sa napag-alaman ko, mula sa inyo na dalawang araw na pala siyang nawawala."

Labis ang lungkot at pag-aalala ng Kuya ni Jett dahil sa pagkawala nito. Sobra namang kinakabahan ang mga kaibigan at si Marika kung anu na kaya ang nangyayari kay Jett. Kaya matapos ang konting pag-uusap, nagpasalamat ang kuya ni Jett dahil sa ngayun ay alam na nyang nawawala si Jett at umalis para ireport sa awtoridad ang kanyang pagkawala.

Reysha: "Miss Marika?! Anu na po ang gagawin po natin?! Baka napano na si Jett?!!"

Archie: "Oo nga po, Miss Marika!!! Wala po ba tayong gagawin para makatulong sa paghahanap kay Jett?!!"

Marika: "Guys, gusto ko rin sanang tumulong sa paghahanap sa kanya pero hindi ko alam kung saan magsisimula."

Aileen: "Ibig nyo pong sabihin, wala lang po tayong gagawin?!!"

Marika: "Aileen! Hindi ko sinasabing wala tayong gagawin! Ang sinasabi ko, hindi ko lang alam kung saan tayo magsisimula sa paghahanap."

Albert: "Guys, magsimula kaya tayo kung saan sya huling nakita?"

Carl: "Albert, saan naman? Eh wala nga sa atin ang nakakaalam kung saan sya huling nagpunta."

Lunabelle: "Oo nga naman, may punto si Carl. Ang huling lugar na naaalala kong nakasama natin si Jett ay noong magkakasama tayong umuwi galing sa Mall. Pagkatapos nun, si Jett ang kusang humiwalay sa atin at umuwi."

Rochel: "Teka? Naisip ko lang, humiwalay si Jett sa crossing hindi ba? Kung doon tayo magsisimulang maghanap, baka may makita tayong clue kung anung nangyari sa kanya."

Reysha: "Oo nga, Rochel. Mukhang may punto ka."

Lyrica: "Miss Marika, kung OK lang po sa inyo, pahintulutan nyo po sana kami na pumunta sa crossing po ngayun."

Marika: "Kung yan ang makakabuti para mahanap sya, eh di sige, papayagan ko kayo. Pero mag-iingat pa rin kayo ha."

Reysha: "Opo, Miss Marika!"

Matapos makiusap ang mga magkakaibigan na puntahan ang huling lugar kung saan nawala si Jett. Agad silang bumalik sa kanilang club upang kunin ang kanilang mga gamit. Nang tumunog na ang bell, agad silang naglakad at pumunta sa crossing kung saan huling nakita si Jett.

Carl: "Guys, sigurado ba kayo na ito ang crossing papunta sa bahay na tinutuluyan ni Jett?"

Reysha: "Oo. Eto nga yun. Kung didiretsuhin natin ang daan papuntang norte, makakarating tayo sa bahay ni Jett."

Naglakad at sinundan ng mga magkakaibigan ang daan papunta sa bahay ni Jett. Nang mapansing wala silang kahit na anong makitang ebidensya sa paligid na magtuturo kung paano nawala si Jett.

Albert: "Guys, parang ang labo nito. Sobrang linis ng daan. Wala man lang tayong lead kung paano nawala si Jett sa lugar na ito."

Lunabelle: "Oo. Tama ka, Albert. Wala man lang bakas sa daan na may humintong sasakyan o kaya marka ng gulong sa semento."

Carl: "Kung ganun, panu sya nawala kung walang kumuha sa kanya?"

Archie: "Alangan naman na biglang nawala si Jett o kaya nagteleport sya kagaya ng ginagawa ni Lyrica?"

Rochel: "Parang imposible naman yun, Archie, kung nakakagamit sya ng magic. Alam naman nating lahat na si Lyrica lang ang nakakagamit ng magic."

Biglang napaisip si Reysha sa mga sinabi ng mga kaibigan nya at nag-aalala sya na baka ginawa ni Jett ang bagay na kinakatakutan ni Reysha. Kaya naman naisip na lang ni Reysha na sabihan ang mga kaibigan nya na tapusin ang paghahanap at umuwi na lamang sila.

Reysha: "Guys, tama si Albert. Imposible nga ito. Hindi natin mahahanap si Jett dito. Baka hindi rin sya nawala dito."

Aileen: "Oo nga. Tama ka, Reysha. Tsaka kita naman sa daan na napakalinis at wala man lang kahit na anung ebidensya na may nangyari dito."

Lyrica: "Kung sabagay, tama kayo."

Archie: "Kung ganun, aalis na tayo sa lugar na ito?"

Carl: "Oo, naman, Archie. Wala naman tayong nakikitang lead eh."

Rochel: "Eh di mabuti pa, umuwi na tayo at bukas na lang natin ipagpatuloy ang paghahanap."

Lunabelle: "Oo, Rochel. Pero sana man lang walang nangyaring masama kay Jett."

Dahil sa walang makitang ebidensya ng pagkawala ang mga magkakaibigan, umuwi na lang sila at umaasa na makakahanap sila ng ebidensya na magtuturo kung nasaan si Jett.

Ngunit maliban sa naisip ng mga magkakaibigan, may naisip na hinala si Reysha na maaaring naging dahilan ng kanyang pagkawala.

Reysha: (Guys, patawarin nyo sana ako. Yung mga naisip nyo kanina, maaring may hinala ako na sila ang may gawa kung bakit nawawala si Jett. Pero para makasiguro ako, kailangan ko ang tulong ni Mister Tyler.)

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon