CHAPTER 2: EX-BOYFRIEND

66 14 0
                                    

Nang makalapit ang lalaki sa stall kung saan naghihintay si Marika, tila natigilan ang lalaki ng makita nya ito. Nagduda naman ang si Marika sa naging reaksyon nito kaya nagsalita si Marika.

Marika: "Ehem! Mister! Mawalang galang na po, pero may hinahanap po ba kayong tao sa loob ng school?"

Tahimik na pinagmamasdan si Marika ng lalaki at tila nataranta sa kanyang itinatanong. Ngunit sumagot naman ito ng maayos.

Lalaki: "Eh...anoh.... paano ko ipapaliwanag ito, may hinahanap akong dalagita na nag-aaral dito sa school na ito. May suot syang salamin at bunot ang buhok na abot hanggang sa batok."

Marika: (Nakasalamin at bunot ang buhok na abot hanggang sa batok? Teka?!! Si Lyrica ba ang tinutukoy nya?!!!)

Tindero: "Boss! Hindi naman sa nakikialam sa usapan nyo, pero kamag-anak nyo ba yun dalagitang yun?"

Lalaki: "Ang totoo hindi, pero may nabalitaan ako na nabili raw nya yung isang napakahalagang bagay na dapat ay bibilhin ko sa antique shop. Kaya nagbabakasakali ako na matagpuan ko yung nakabili dun sa bagay na iyon."

Marika: (Aba! Magaling syang magpalusot. Mukhang ginamit pa nya ang impormasyon tungkol sa.........Teka?!! Sa pagkakaalala ko, nabili ni Lyrica ang Aklat ng Mayari sa Antique shop noong bakasyon. Hindi kaya isa siyang collector? Pero pwedeng palusot din nya yun para dukutin si Lyrica?! Anung gagawin ko?!!)

Lalaki: "Ahhhh...Miss. Malalim ata iniisip mo? May problema ba?"

Marika: "Ah!....Ano kasi...napansin ka kasi nung isang estudyante ko na paikot-ikot ka daw sa labas ng Campus. Kaya pinuntahan kita dito para siguruhin kung totoo ang sinabi nya at yun! Mukhang nagsasabi sya ng totoo."

Lalaki: "Ah...ganun ba? Kung ganun, isa ka palang guro sa school na ito. Eh kung mamarapatin mo, maari ko bang malaman kung anu ang pangalan nung estudyante na hinahanap ko?"

Lalong nagduda si Marika sa tanong ng lalaki at naghinala sya dahil sa baka isa ngang kidnapper ang lalaki. Kaya naman tinanong nya rin ito.

Marika: "Mister! Mawalang galang na pero, bakit mo tinatanong yung pangalan ng estudyante na hinahanap mo?"

Lalaki: "Para bigyan ko sya ng resibo sakaling mabili ko sa kanya yung hinahanap ko."

Marika: "Paano kung ayaw nyang ibigay?"

Lalaki: "Dodoblehin ko ang presyo para ibigay nya sa akin yung item na iyon."

Marika: "Eh panu kung ayaw nya pa rin?"

Lalaki: "Eh di gawin kong triple!"

Sobra ang paghihinala ni Marika sa lalaki dahil sa parang ayaw nitong lubayan ang bibiktimahin niyang estudyante. Lalo na't sa tingin ni Marika, si Lyrica ang target nito dahil mahinhin, tahimik at madaling alokin ito. Kaya nagtanong ng seryoso si Marika sa lalaki.

Marika: "Mister, kidnapper ka ba?"

Lalaki: "Ah....Oo! Ah....sandali.... A-Anu?!!! Kidnapper?!!!"

Marika: "Sinasabi ko na nga ba?!!! Kidnapper ka!!! May masama kang plano sa mga estudyante dito!!!"

Lalaki: "Teka?!!! Sandali?!!! Akala ko Clingrapper ang sinabi mo at bumabanat ka ng pick-up lines sa akin!!!"

Marika: "Tumahimik ka at sa presinto ka magpaliwanag!!!!"

Lalaki: "Teka?!! Sandali?!! Anung gagawi—?!! AAAAAAAAAAHHHH!!!

Agad na hinawakan ni Marika ang kanang kamay ng lalaki, hinila at tsaka nya ito ibinalibag sa lupa. Nagulat naman ang tindero sa kanyang nakita. Matapos mabalibag at mapahiga sa lupa ang lalaki, agad ginamitan ni Marika ng kanyang natutunang Self-Defense kung saan pinadapa nya at hinawakan ang mga kamay nang lalaki sabay dinaganan nya ito sa likod.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon