KAI'S POV
"Kai! Kai! Kai!"
Nagising ako sa malakas at sunod sunod na kalampag ng kung sinong hinayupak sa labas ng pintuan ko!
T*ngina! Natutulog ako!
"Kai! Kai! Gising! Kai!"
"What the f*ck do you want?!" Galit at inaantok na sigaw ko habang naka-baon ang ulo ko sa unan.
"K-kai?! It's Linclon! Open the door! I have something to tell you!" Sigaw ng nakakainis na Linclon mula sa labas ng kwarto ko!
"I don't care! One more knock and I'll break your neck." Walang emosyong banta ko at natahimik naman si Linclon.
Bumalik ulit ako sa pag-tulog at hindi na sya binigyan pa ng pansin. Asa syang pagbubuksan ko sya ng pinto. Baka mabugbog ko pa sya. Tsk! Lagi na lang talagang napuputol ang magandang tulog ko dahil sa pesteng yon!
"Wag kang bumalik sa pagtulog, Kai! Mahalaga itong sasabihin ko! Kai! Kai! Kai!" Sigaw ni Linclon at sunod sunod na namang kinalampag ang pintuan ko!
Hindi pa sya umalis?!
"Damn it!" Malutong na malutong na mura ko bago ako inis na bumangon at padabog syang pinag-buksan ng pinto. "Are you out of your damn mind?! Do you have a death wish?!" Galit na sambit ko at agad kong kinuwelyuhan si Linclon.
Sa lahat ng tao dito sa Mansion, sya lang ang may lakas ng loob na laging distorbohin ang pag-tulog ko. Bwesit. Patikimin ko kaya ng sunod sunod na sapak 'tong mokong na 'to ng mag-tanda?! Masyado ng tumatapang eh.
"T-teka.." Sambit ni Linclon at takang napatingin sa mukha ko. "A-anong nangyari sa mukha mo, Kai? Bakit ang daming band aid? Napaaway ka na naman ba?" Tanong nya at parang baklang pinasadahan ang buong mukha ko na puno nga ng band aid!
"Tch! It's none of your f*cking business!" Galit na sigaw ko sa kanya at padarag ko syang tinulak dahilan para tumama ang likuran nya sa pader. "Bakit mo ako ginising?!"
"A-ano kasi.. M-may sasabihin ako---"
"Mas mahalaga pa ba yan sa tulog ko?!"
"O-oo! M-mahalagang mahalaga 'tong sasabihin ko sayo!"
"Ano?!"
"Si MommyLa!"
Kumunot ang noo ko. "Anong meron sa matandang 'yon?!"
Pero mas lalong nag-isang linya ang kilay ko ng mapansin kong naging maluha luha ang mga mata nya!
Problema ng gagong 'to?
"Si MommyLa.." Parang naiiyak na sabi pa ni Linclon kaya niyugyog ko sya sa sobrang inis!
"What's wrong?! Why are you crying?! Did something happen to MommyLa? What happened to her?! Answer me, moron!" Sigaw ko sa sobrang pag-aalala.
"S-si MommyLa.."
"Ano nga?!"
"Naka-freeze ang lahat ng account natin at si MommyLa ang may gawa!" Sigaw ni Linclon na nagpatigil sakin.
Ano daw?!
Para namang gagong umiyak sya kahit wala luhang lumalabas sa mata nya kaya inis na binitawan ko sya!
"Ano?! Freeze?!" Inis na tanong ko.
"Oo! Ngayong umaga ko lang nalaman nong oorder sana ako ng pagkain!" Parang batang ngawa nya habang naka-upo sa sahig!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...