Chapter 52

497 30 7
                                    

SANJI'S POV

"Haaaaaaayssss.." Malalim na buntong hininga ko habang para akong tangang naka-titig sa kisame.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nasa ganitong sitwasyon pero wala na akong pakielam  dahil sa dami ng iniisip ko. Masyado akong nagi-guilty sa nangyari kanina. At mas lalong  kay Lucy.

Lucy.. I'm so sorry..

Alam ko kasing hindi tama ang inasta ko kay Lucy kanina. Masyado akong nagpa-kain sa emosyon ko at hindi ko na naisip ang pwedeng maramdaman nya sa hindi ko pag-sagot sa tawag nya sakin kanina at paglabas ko ng kwarto. 

Pero yon lang kasi ang naiisip kong paraan para hindi sisihin ni Lucy ang sarili nya sa oras na malaman nya kung bakit ako nagkaka-ganto. Kaya mas pinili ko na lang munang umiwas at hindi mag-pakita sa kanya. 

Pero habang tumatagal, nagsisisi ako at kinakain ako ng konsensya ko sa tuwing naiisip ko ang naramdaman ni Lucy sa mga oras na yon. Parang gusto kong pabalikin ang oras at ayusin ang lahat!

Ano ba kasing problema mo, Sanji?! Bading ka ba?! Babae lang ang gumagawa ng pagkukulong sa kwarto!

"Aaaaaaaarghh!!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis at akala mo abnong nagpagulong gulong sa kama!

Gulat akong napalingon sa pintuan nang kwarto ko nang biglang pumasok mula doon si Linclon habang may dala syang tray na puno nang pagkain! Napa-tayo ako at inis na dinuro sya!

"Anong ginagawa mo dito?! Paano ka naka-pasok sa kwarto ko?!"

Sinara nya ang pintuan bago ako tuluyang hinarap. "Dinalhan kita nang pagkain, Sanji. Alam kong gutom ka na. Oh, kumain ka muna." Pag-iiba nya kaya mas lalo akong nainis!

"Wala akong pakialam dyan. Sagutin mo ang tanong ko! Paano mo nabuksan ang pintuan nang kwarto ko?!"

"Ginamit ko 'to." Pinakita nya sakin ang isang susi na hindi pamilyar sakin pero alam kong susi na ginamit nya para mabuksan ang pinto ko. "Kay Lucy 'to pero palihim kong kinuha. Gusto kasi kitang maka-usap."

"Ako hindi! Kaya lumabas ka na! P-pero iwan mo 'yang dala mo!" Turo ko sa tray na hawak nya kaya nagsalubong ang kilay nya sa pagtataka. Lumabas na sya lahat lahat pero wag nya idadamay 'yong pagkain kundi gulo ito! "A-ang lakas nang apog mo para pumasok dito! Hindi ka welcome dito sa kwarto ko kaya lumabas ka na bago pa kita lumpuhin! A-at iwan mo 'yang tray!"

"Hindi ako lalabas hangga't hindi kita nakaka-usap, Sanji."

"Ano bang kailangan mo sakin?! Ayaw nga kitang kausap! Bakit ba ang kulit mo?!"

"Hindi ako aalis kahit kaladkarin mo pa ako." Sambit nya at basta basta na lang inilapag ang tray sa lamesa at akala mo kung sinong umupo sa upuan. "Umupo ka, kumain at mag-uusap tayo."

Nainis ako lalo. "Ang tapang mo! Wala ka bang naiintindihan sa mga sinabi ko?! Ang sabi ko lumabas ka! Hindi kita kailangan dito! Naririndi lang ako sa pagmu-mukha mo!"

"Hindi lahat kaaway mo, Sanji." Sambit ni Linclon na nagpa-tigil sakin. Seryoso nya akong tiningnan. At ewan ko pero bigla na lang akong kinabahan. Hindi kasi ako sanay na nakikitang ganito ka-seryoso si Linclon. Sanay akong nakikita syang paabno-abno lang. "Mag-sabi ka nga sakin nang totoo. Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nagkaka-ganyan?"

Nag-iwas ako ng tingin. "It's none of your business!"

"Could you at least try to be nice?!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon