A/N : Dahil special kayo, may pa special chapter ako para sa inyo! Hahahaha! Merry Christmas agad kahit wala pa! Joke! Enjoooy reading! And enjoy ur day! Mwaaah!
LUCY'S POV
"Aayusin na natin ngayon ang Christmas Tree kaya kailangan niyong tumulong! Ang hindi tutulong, walang kakainin mamayang gabi! Gets niyo?!" Sigaw ni Sanji samin habang nasa likod niya ang napakalaking Christmas tree na de-design-an namin.
Limang araw na lang kasi at magpa-pasko na kaya busy na kami sa pagpe-prepare sa darating na pasko.
Madami na kaming nagawa. Katulad nang nakasabit na ang mga christmas light sa gilid nang Mansion at ang mga Parol ay makikita mo na kung saan saan.
Lahat ay kumpleto na, maliban na lang sa napakalaking Christmas tree na nasa harap namin ngayon.
"Tsk! Anong aayusin diyan?! Eh maayos na 'yan?!" Angal ni Master Linclon na nasa kaliwa ko habang naka-turo siya sa Christmas tree.
Inis siyang tiningnan ni Sanji. "Bobo ka ba?! Malamang de-designan natin 'to! Tingnan mo nga! Wala pang ka-design design ang Christmas tree natin! Gusto mo bang maging walang buhay ang pasko natin?!"
"H-hindi.."
"Edi kuhanin mo na 'yong mga christmas light doon at ibigay mo sa akin!"
"At bakit naman ako susunod sayo?!"
"At bakit naman hindi ka susunod sakin?!" Inis na tanong ni Master Sanji kaya nawalan nang imik si Master Linclon. "Sumunod ka na lang kung ayaw mong ibato ko sayo 'tong tsinelas ko!" Banta ni Master Sanji habang tinatanggal niya ang tsinelas niya.
"Tsk! Oo na! Oo na!" Nagmamaktol na saad ni Master Linclon saka niya nakangusong sinunod ang utos sa kaniya ni Sanji.
Parang talaga siyang bata..
"Tss!"
Napalingon ako kay Master Levis nang lumagitik siya sa gilid ko. Ang aga aga pero nakabusangot na naman siya.
"At ikaw nerd!" Turo ni Sanji kay Master Levis at nakita ko kung paano kaagad nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Ikaw ang bahala sa mga Christmas balls na 'yan!" Turo ni Sanji sa mga Christmas balls na naka-lagay sa isang karton. "Total mukha ka din namang itlog! Hahahahahaha!"
"What was that, dammit?! Say that again!" Inis na sigaw ni Levis.
"Total mukha ka din namang itlog!" Madiin na pag-uulit ni Sanji sa sinabi niya.
Nag-aaway na naman sila.. Ano bang gagawin ko sa kanila? Haaaayyyss!
"Don't repeat it!"
"Tsk! Huwag ka nang mag-english diyan! Mag-trabaho ka na dahil tumatakbo ang oras! Marami pa tayong kailangan gawin!"
"Since when did a moron like you become my boss?!"
"Ano?! Sinong tinatawag mong moron?!"
"I would not follow you! Over my dead body! Tss!" Pagmamatigas ni Master Levis.
"Ahhh! Ayaw mong tumulong ahh? Sige! Huwag ka ding kakain mamaya!"
"W-what?!"
Ngumisi si Sanji. "Ang hindi tumulong, hindi puwedeng kumain."
"I-i hope you die a horrible death!" Inis na saad ni Master Levis saka niya walang choice na kinuha ang karton nang mga Christmas balls at masama ang loob na pumunta siya sa gilid nang Christmas tree at sinabit ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...