Chapter 57

449 22 6
                                    

LUCY'S POV

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Kai ng makita nya ako. Napalingon tuloy sa gawi namin ang mga iilang estudyanteng nasa hallway at nagsimulang pagbulungan kami.

"K-kai.." Nanginginig na sambit ni Queenie.

"Anong ginagawa mo dito, Kai?" Takang tanong ko naman sa kanya.

"Saan ka nanggaling?!" Galit na tanong sakin ni Kai habang naglalakad sya palapit samin.

"S-sa---"

"Sinong nagsabi sayong puwede kang umalis sa tabi ko nang hindi nagpapaalam?!"

"K-kasi---"

"Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinahanap?!"

"Kasi---"

"Sagutin mo ako, Lucy?!"

"Paano kita sasagutin kong palagi mo akong pinuputol?" Seryosong tanong ko kaya natigilan sya.

Ang hilig talaga nyang manigaw ng tao..

Napabuntong hininga ako. "May pinuntahan lang ako, Kai.. Hindi mo kailangang magalit ng ganyan.."

"Paanong hindi ako magagalit sayo, eh para kang bulang nawala sa tabi ko?! Saang lupalop ka ba nang mundo pumunta?! Alam mo bang kanina pa ako parang tangang naghahanap sayo dito sa Campus?!" Inis na tanong nya sakin kaya tumabingi ang ulo ko.

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

"Nagtanong ka pa talaga! Ang kapal ng mukha mong iwanan akong mag-isa sa room! Alam mo nang tulog ako, umalis ka pa talaga! Sino ba 'yang kinita mo?! Huh?! Ipakita mo sya sakin! Pagbubuhol buholin ko kayong dalawa!"

"A-ako.."

Napatingin ako kay Queenie nang nanginginig nyang inangat ang kamay nya dahilan para mabaling sa kanya ang mga nanlilisik na mata ni Kai.

Para syang galit na aso..

"At sino ka naman?!" Galit na sigaw ni Kai sa kanya kaya napabuntong hininga ako.

"I-i'm Q-queen-nie.." Nanginginig na sagot ni Queenie pero mas lalo lang nagsalubong ang kilay ni Kai. Parang hindi nya nagustuhan ang isinagot sa kanya ni Queenie.

"Hindi 'yang ang tanong ko! Ang tanong ko 'sino' ka para sumabat sa usapan naming dalawa ni Lucy?!" Sigaw ni Kai sa kanya dahilan para magtawanan ang mga estudyanteng nanonood samin.

"Hahahaha! Pahiya!"

"Dasurv!"

"Buti nga sayo!"

"Masyado kasing nakikisali, eh hindi naman kasali hahahaha!"

"Nerd!"

"Loser!"

"Pathetic!"

Walang emosyon kong tiningnan ang mga schoolmates kong grabe kung pagtawanan si Queenie na napayuko at napakuyom nang kamao.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon