LINCLON'S POV
"And worst.. gamit nya ang apelyido natin." Seryosong sabi ni Levis dahilan para magulat ako at matigilan.
"What?!" Malakas na sigaw ko.
Gamit ni Lucy ang apelyido namin?!
"Yes, gamit ni Lucy ang surname nating Monasterio."
"But why?! Hindi naman natin sya kamag-anak ah!" Naguguluhang sabi ko.
Bakit nakiki-gamit si Lucy ng apelyido namin?! Wala ba syang sariling apelyido?!
Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito kaya gulat na gulat ako. Dahil ang tanging sinabi lang sakin ni Levis kahapon ay 'yong mag-aaral si Lucy kasama namin.
"I don't know, okay? Si MommyLa ang nagpa-gamit nang apelyido natin sa kanya." Inis na sabi ni Levis.
"Bakit naman ipapa-gamit ni MommyLa sa baliw na babaeng 'yon ang apelyido natin?" Hindi makapaniwalang tanong ko bago ako natigilan. "W-wait! Don't tell me.. P-pinsan na natin si Lucy?! Waaaah! Ayokong magkaroon ang pinsang multo!"
"Shut up, Linclon! You're too paranoid!"
"Anong kasalanan natin kay MommyLa?! Bakit nya ginagawa satin ito, Levis?! Huhuhu!"
"I said shut up!" Inis na sigaw ni Levis dahilan para matahimik ako. "Hindi natin sya magiging pinsan dahil hindi ako makaka-payag!"
"Eh bakit pina-gamit ni MommyLa ang apelyido natin sa kanya?!"
"Kasi Lucy lang ang pangalan ni Lucy."
"Ano?! Hindi ko gets!"
Mas magulo pa sa magulo ang sinabi nya!
"Walang surname or kahit anong middle name si Lucy." Naging kalmado na ang boses ni Levis pero salubong pa rin ang kilay nya. "Lucy lang ang pangalan nya."
"Huh?! Nagbibiro ka ba, Levis?! Pwede ba 'yon?!"
"Yes, in her case.. pwede 'yon. Kaya pina-gamit ni MommyLa sa kanya ang surname natin para ma-kumpleto ang pangalan nya. Hindi ko kasi mae-enroll si Lucy sa University kung tanging first name lang ang meron sya."
"Ano? Wala syang apelyido? Tsk! Kalokohan 'yan! Walang ganon, ano! May apelyido 'yang si Lucy! Ayaw nya lang talaga sabihin kasi gusto nyang gamitin ang apelyido natin!"
"'Yan din ang inisip ko kaya pina-imbestigahan ko sya." Seryosong sambit ni Levis at kinuha ang isang white folder na nakalapag sa lamesa at inabot ito sakin. "Pero Lucy lang talaga ang lumalabas na pangalan nya sa lahat nang profile na nakuha ko about sa kanya. Wala akong makitang kahit anong surname o middle name nya."
"Ang weird naman non!"
"At ang mas weird pa.. Nahirapan ang source ko na kuhanan nang pagka-kakilanlan si Lucy dahil naka-private ang lahat nang information about sa kanya. Tanging edad at birthday nya lang ang nalaman ko. Hindi ko pa alam kung totoo 'yon."
Dahil sa curious tiningnan ko ang loob ng white folder na binigay sakin ni Levis. Bumungad sakin ang malaking certified na naka-sulat sa buong papel dahilan para kumunot ang noo ko.
Certified? Bakit certified?
Sunod kong tiningnan ang name ni Lucy pero talagang Lucy nga lang ang naka-lagay na pangalan nya. Walang surname or middle name, blangko lahat. Pati ang mukha ni Lucy ay blurred pero halatang sya ang nasa picture.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...