Chapter 93

214 5 0
                                    

One hour ago...





LUCY'S POV

Walang buhay kong tiningnan ang kabuohan nang hideout ni Nathanael at sinuri ang paligid. Nakita ko ang dalawang lalaking naka-tayo sa may pintuan nang entrance at malakas na nagku-kwentuhan, halatang mga lasing.

Dahan dahan akong lumabas sa dilim at tahimik silang nilapitan. Palihim akong pumunta sa likuran nila at hinawakan ko ang parehas na ulo nila at pinag-untog silang dalawa kaya nawalan sila nang malay.

Malakas akong bumuntong hininga bago ko inangat ang paa ko at buong pwersa kong sinipa pabukas ang pintuan nang hideout ni Nathanael dahilan para maagaw ko ang atensyon nang lahat nang taong nasa loob.

Natigil ang lahat sa pagsasayaw, pag-iinom at sa pag-aaway. Natuon ang tingin nila saking lahat at taka akong tiningnan.

"Sino sya?"

"Anong sa tingin nya ang ginagawa nya?"

"May kalaban!"

"Bakit ganyan ang itsura nya? Para syang Whitelady!"

"Oo nga, nakakatakot sya!"

"Pero ang ganda nya ah?"

"At sexy pa!"

"Viss, hanong kangalan mo?" Napatingin ako sa lasing na lalaking lumapit sakin at inakbayan ako. "Dusto va bha akong maging syotha? Hahahahaha!"

"Hahahahahahaha!" Malakas na tawa nang dalawa pa nyang kasamang lalaki na nakangisi sa akin habang pinapasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"If you don't take your hands off me in the next two seconds.. you won't have hands.." Mahina at malamig na banta ko sa kanya habang naka-yuko ako.

"Vanong dinasabi mo? Kinatanong do vang tangahalan mo--- Aaaahhhh!" Sigaw nya matapos kong malakas na pilipitin ang kamay nyang naka-hawak sa balikat ko!

Hinarap ko sya at malakas na sinipa sa tiyan dahilan para tumilapon sya sa may lamesa!

Nag-bago tuloy ang atmosphere nang buong paligid at isa isa nila akong sinamaan nang tingin habang unti unti nila akong pinapalibutan.

"Hey! We're not going to take it easy on you just because you're a girl!" Inis na sigaw sakin nang isa sa mga kasama nong lalaking sinipa ko kanina at bahagya nya akong tinulak kaya pinanlisikan ko sya nang mata. "Bakit ang sama mong maka-tingin?! Gusto mo bang maka-tikim nang sampal?! Huh?! Masyado kang mayabang!" Sigaw nya at umakto syang sasampalin nya ako kaya mabilis kong hinawakan ang kamay nya at binali 'yon. "Aaaaarghhh!" Malakas na sigaw nya at susuntukin nya sana ako kaya mahigpit kong hinawakan ang braso nya at ibinalibag sya!

"Gago ka ah!" Sugod pa sakin nang isang kasamahan nila kaya sinalo ko ang kamao nya at malakas syang sinapak sa mukha at sinipa sa tiyan kaya tumilapon rin sya!

"Aaaarrghhh!" Sugod sakin nang isang babae kaya mabilis kong iniwasan ang kamao nya at hinigit ang buhok nya at inuntog ko ang ulo nya sa tuhod ko!

Hinila ko ang isang lalaki palapit sa akin at siniko ang dibdib nya habang ang isang lalaki naman ay sinipa ko sa tiyan!

Nang makita kong mas dumami ang nasugod sa akin ay malakas kong sinipa ang mahabang upuan papunta sa direksyon nila dahilan para sabay sabay silang madaganan nito!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon