LUCY'S POV
"Eto na ba 'yon?" Mahinang tanong ko sarili ko pagkarating ko dito sa pinaka-dulong kwarto nang 2nd floor.
Ito ang sinabing kwarto sakin ni Mrs. Elizabeth nong mag-kausap kami kaninang dalawa sa opisina nya.
Tumingin ako sa magka-bilang gilid ko para tingnan kong may iba pa bang kwarto maliban sa isang ito pero wala na akong nakita kaya napatitig ako sa napaka-laking pintuan na nasa harapan ko.
Napa-buntong hingina ako. "Eto na nga.."
"Meow." Sabi ni Nyctophilia, pusa ko, habang ikinikiskis nya ang ulo nya sa dibdib ko.
Napangiti ako. "Tara.." Sambit ko bago ko binuksan ang pintuan pero nagulat ako sa tumambad sakin.
A-anong..
Bumungad sakin ang isang napaka-laking kwarto na may ubod ding laki nang kama! Mga mamahalin at magagarang mga gamit din sa loob at sobrang linis na paligid!
Wait..
Napaatras ako. Tama ba 'tong kwartong napasukan ko? Para kasing may mali eh. Hindi kasi pang yaya ang kwartong ito. Dahil para syang pang prinsesa sa sobrang laki at ganda.
Mukhang nagka-mali ako..
Napabuntong hininga na lang ako at dahan dahang sinara ang pinto. Kanino kayang kwarto ito? Sana naman ay wag syang magalit sakin dahil binuksan ko ang kwarto nya.
"Lucy, sa pinakadulong kwarto sa 2nd floor ang kwarto mo."
Napatigil ako nang bigla kong maalala ang sinabing 'yon ni Mrs. Elizabeth sakin kanina sa opisina nya. Hindi ako pwedeng magka-mali. Eto talaga ang kwartong tinuro nya sakin.
Pero bakit ganito?
"Bahala na.." Bumuntong hininga muna ako bago ako tuluyang pumasok sa kwarto. Sinara ko ang pintuan at inilibot ang tingin ko.
Sobrang laki talaga nya para sakin. Ang dami pang mga magagandang gamit na nakakatakot hawakan kasi halatang mamahalin. Kumikintab pa 'yong iba.
Ang sakit sa mata..
Pero napapikit ako nang may sinag nang araw na tumama sa mata ko na nanggaling sa labas nang bintana.
Nakaka-silaw...
Lumapit ako doon para i-sara ang bintana pero bago 'yon ay inilagay ko muna si Nyctophilia sa ibabaw nang malaking kama.
"Meow."
"Dito ka lang.."
Naglakad ako papunta sa bintana at sinara ito. Sunod na itinabing ko ang kulay itim na kurtina at pinatay ang ilaw sa buong kwarto.
Ang dilim..
"But I love darkness.." Mahinang saad ko at umupo ako sa tabi ni Nyctophilia sa kama at hinaplos ang ulo nya. "That's why I named you Ncytophilia.. because it's mean 'Love in darkness'.."
"Meow." Sambit nya at dinilaan ang sariling paa.
Ang cute nya..
Bumuntong hininga ako at iginala ang tingin ko sa kabuohan nang madilim kong kwarto. "Hello darkness, my old friend.."
"Meow." Sambit ulit ni Nyctophilia at pumunta sya sa hita ko para doon humiga.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...