Chapter 8

1.2K 80 0
                                    

LUCY'S POV

Pagkatapos kong linisin ang kwarto ni Master Levis ay sunod ko namang pinuntahan ang kwarto ni Master Sanji.

Napabuntong hininga ako. Ngayon ang unang araw ng paglilinis ko sa bawat kwarto nilang apat. Ibinilin talaga sakin ni Mam. Elizabeth to kasi alam nyang madumi na ang bawat kwarto ng mga apo nya.

"Tinitigasan na naman ako sayong ganda~"

Pero napatigil ako sa akmang pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Sanji ng may marinig akong kung ano.

Ano yon?

"Dahil sa iyong ganda ako'y napatanga~"

Na-kanta sya?

Dala ng kuryosidad dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip. Don nga bumungad sakin ang nakanta at nasayaw pa na si Sanji habang nasa harap ng salamin.

Anong trip nya?

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa pagpasok pero natigilan ako sa nakita ko!

A-anong klaseng kwarto to?

Bumungad sakin ang kwarto nya na punong puno ng mga malalaswang poster! Napalunok ako!

What the..

Puro yun mga babaeng naka bra't panty lang na model at yung iba sobrang lala dahil mga naka hubo't hubad na talaga! Yon ang makikita mo kahit saan ka tumingin sa kwarto nya!

Namula ang mukha ko dahil don! Mabilis kong tinakpan ang mata ko at dali daling naglakad papasok sa kwarto nya at dumiretsyo sa study table nya ng nakayuko. Bakit ganto ang kwarto nya? Ang laswa!

Kailangan ko na lang bilisan ang paglilinis ko para maka-alis agad ako sa malaswang kwarto na'to.

Kakaiba ang trip nya

Pero nag-iba ang mukha ko ng makita ko ang itsura ng study table nya. Bakit ba sobrang dumi ng mga kwarto nila? Parehas lang sila ni Levis na parang isang taon hindi nalinisan ang kwarto sa sobrang dumi at alikabok.

Ang kalat nila

Isa isa kong pinulot ang mga nagkalat na crample na papel at inilagay yon sa trash bag na dala ko.

Ngayon pa lang ba ang unang beses na malilinisan ang mga kwarto nila? Pero sa pagkaka-alam ko may mga naging yaya naman sila dati, kaya bakit ganto kadumi?

Ay oo nga pala, ikninuwento nga pala sakin ni Mam. Elizabeth na walang nagtatagal na mga yaya sa kanila dahil sa ugali ng mga apo nya.

Ang hirap daw kasi i-handle ng mga to at araw araw pa na nag-aaway. Mga loko-loko at matitigas ang ulo. May muntik pa nga daw atakihin sa puso dahil sa paga-away nilang yun kaya hindi na kumuha pa si Mam. Elizabeth na matandang yaya.

Tulad kanina, narinig ko na nag-aaway sila Master Kai at Sanji dahil sa gatas. Dinig na dinig ko ang pag-aaway nila habang naglilinis ako sa loob ng kwarto ni Master Levis pero hindi ko sila pinansin.

Wala naman kasing sinabi sakin si Mam. Elizabeth na maki-sali ako o maki-awat sa away ng mga apo nya.

Pero napangiwi ako ng maagaw ng pansin ko ang mga malalaswang magazine na nakakalat din sa study table ni Sanji.

Ang hilig nya sa mga ganto

Nandidiring itinapon ko yun sa trash bag at pinunasan ang lamesa. Inayos ko din ang upuan. Bumuntong hininga ako bago ulit nagpatuloy sa paglilinis.

Sinunod ko ang kama nya na parang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo.Mukhang mas matatagalan pa ako sa paglilinis dito kaysa don sa kwarto ni Master Levis dahil mas makalat dito.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon