Chapter 76

151 5 0
                                    

KAYLIN'S POV

The next day.

"Aaarghhh! Ayoko nang mag-aral! Sumasabog na ang utak ko sa mga lesson natin!" Hestirikal na sigaw ko habang ginugulo ko ang buhok ko!

Kakatapos lang kasi nang Lesson namin sa Physics kaya nawiwindang pa ako sa mga pangyayari!  Nahihilo ako sa mga lesson namin! Habang patagal nang patagal kasi, pahirap nang pahirap ang mga tinuturo samin!

"Bakit kasi STEM pa ang kinuha ko? Huhuhu!" Patuloy na pagda-drama ko dahilan para matawa sakin si Angela Cruz na classmate ko at pinaka-close ko dito sa room.

"Gusto mong maging Doctor diba? Tiisin mo 'yan. Hahahaha!" Tawa tawang asar nya sakin habang nakatayo sya sa gilid ko at naka-cross arms.

Napanguso ako. "Ayoko na! Mag-aalbularyo na lang ako!"

She chuckled. "Alam mo ikain na lang natin 'yan. Kanina pa talaga ako nagugutom, sa totoo lang." Yaya nya kaya tumayo ako. Lunch break na kasi ngayon.

"Tara na nga! Nagugutom na din ako eh." Sabi ko at inangkla ang kamay ko sa braso nya. "Ano kayang menu ngayon? Sana masarap! Nagsasawa na ako sa sandwich! Ayon na lang ang palaging binibili saking pagkain ni Sanji! Tsk! Kunti na lang magmumukha na rin akong sandwich!" Reklamo ko kaya natawa si Angela.

"Wait, speaking of Sanji. Nasaan na nga pala sya? Bakit wala sya sa labas nang room natin kanina. Diba palagi ka nyang iniintay kasi sabay kayong magla-lunch?" Tanong nya sakin dahilan para umasim ang mukha ko.

"Hindi kami sabay na magla-lunch ngayon. Busy daw kasi sila ngayon nang mga ka-grupo nya. May groupings sila kaya hindi na sya makaka-lunch." Sagot ko.

"Grabe naman 'yon. Wala silang kain kain."

"K-kaya nga eh. Naaawa tuloy ako sa kanya."

Medyo lang

"Eh kung dalhan mo na lang nang pagkain si Sanji sa room nila?!" Malakas na tili ni Angela kaya nagulat ako at agad akong napatingin sa mga estudyanteng nasa hallway na sumama agad ang tingin sakin.

"Sshh!" Saway ko kay Angela. "Ang lakas masyado nang boses mo! Naririnig tayo nang mga schoolmates natin! Mapapa-away na naman ako nang wala sa oras nang dahil sayo eh!"

"Sorry. Hehehe! Nakakain kasi ako nang microphone." Pagso-sorry nya at nag-peace. "Ano, Kaylin?! Dalhan mo na lang si Sanji nang pagkain para hindi sya magutom!"

"P-pero.. nakaka-hiya!"

"Bakit ka naman nahihiya? Bibigyan mo lang naman nang pagkain yong pinaka-mamahal mong boyfriend!"

"B-basta! Hindi ko kaya! Masyado akong nahihiya!"

"Edi sasamahan kitang gaga ka!"

"T-talaga? No! I mean---"

"Tara na! Ang dami mo pang sinasabi eh.
Um-order na tayo nang pagkain! Kyaaaah!" Malakas na tili ni Angela at hinila ako papunta sa counter pagka-dating naman nang Cafeteria. Tumingin kami sa menu. "Ano bang gustong pagkain ni Sanji? Fried chicken set or Beef salpicao set?"

"Fried chicken set." Turo ko. Bahala sya. Kahit ano na lang ang i-oorder ko.

"Okay. Miss, one order of fried chicken set and two order of beef salpicao set. And anong drinks ang meron kayo?" Order ni Angela sa tindera. Napa-iwas naman ako nang tingin at napatingin sa kabuohan nang Cafeteria. Ang ingay. Tsk!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon