LUCY'S POV
"Nasaan tayo Master?" Takang tanong ko kay Master Kai ng itigil nya ang kotse sa harap ng batong hagdan dito sa loob ng gubat na pinuntahan namin.
"Sekretong malupet." Nakangising sagot nya at bumaba ng kotse kaya yon din ang ginawa ko.
Pagka-baba ko sumalubong agad sakin ang malakas at napaka-lamig na hangin.
Inilibot ko ang tingin ko sa gubat na kinaroroonan namin ngayon. Pinapalibotan kami ng mga naglalakihang mga puno.
Kahit saan ako tumingin puro puno ang nakikita ko. Kahit ang hagdan na bato ay may mga puno sa bawat gilid nito kaya ang aliwalas tingnan ng buong paligid. Napapikit ako at ninamnan ang napaka sarap na hangin at ang tahimik ng paligid.
Nakaka-gaan ng loob ang lugar nato..
"Tch! Bakit bumaba ka agad?!"
Pero napamulat ako at nilingon si Master Kai ng mapansin kung nasa tabi ko sya at inis na nakatingin sakin.
Hinarap ko sya. "Bakit Master?"
"Dapat hindi ka bumaba agad!"
Nagtaka ako. "Huh? Bakit naman?"
"Ewan ko sayo! Badtrip ka! Tara na!" Inis na sabi nya at nakapamulsang tinalikuran ako. "Tch! Bubuksan ko yong pinto eh!" Mahinang sabi nya papalayo kaya hindi ko marinig.
Ano daw?
"Master.." Sabi ko at mabilis na sumunod sa kanya. "Nasaan tayo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya, paakyat na kami ngayon sa hagdan.
"Sa lugar na sinasabi ko sayo." Sagot ni Master Kai at lumingon sakin. Kalmado na ang mukha at boses nya. "Dito ako laging pumupunta sa twing gusto ko ng katahimikan." Tumingin sya sa mga puno at lumamlam ang mata nya. "Nakaka-gaan kasi ng loob sa twing tinitingnan ko sila. Parang nawawala ang mga problema ko."
Napatingin din ako sa mga puno. "Hmm.. Tama kayo.. Ang gaan nilang tingnan.."
"Tara! May ipapakita ako sayo sa taas!" Masayang sabi nya sakin at hinawakan ako sa kamay ko at hinila.
Hindi na naman tuloy makadan-uga uga sa pagtibok ang puso ko. Kahit kinakabahan, nag-paubaya nalang ako kay Master Kai hanggang sa makarating kami sa taas ng hagdan at namangha ako sa nakita ko.
"Wooah.. Ang ganda.." Namamanghang sabi ko habang nakatingin sa magandang tanawin na nakikita ko.
Nasa mataas kaming bahagi kaya kita ko ang lahat. Ang mga puno sa baba na sabay na sumasayaw sa malakas na hangin. Ang mga huni ng ibon at ang paglipad nila sa langit. At ang mga nagsisitaasang bundok.
Sobrang payapa ng paligid at kahit paano nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Gumaan ang loob ko sa mga magagandang nakikita ko at sa tahimik na lugar na kinaroroonan namin ngayon.
"Ang ganda dito Master Kai.." Lingon ko kay Master Kai na nakatingin pala sakin at bahagyang nakangiti habang nakapamulsa.
Napatitig ako sa mukha nya ng hanginin ang buhok nya at ang uniform nya dahil sa lakas ng hangin. Napalunok ako.
A-ang gwapo nya..
"Kamusta ang pakiramdam mo? Nabawasan ba ang lungkot mo?" Biglang tanong ni Master Kai kaya nabalik ako sa ulirat!
Masaya akong tumango. "O-oo.. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nakikita ko.."
"Hmm.. Mabuti naman.." Naka-ngiting sabi nya. At yon na naman ang puso ko, kumakabog na naman ng bongga dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...