Chapter 72

138 6 0
                                    

SANJI'S POV

"Good morning, babe!" Nakangiting bati sakin ni Kaylin pagka-bukas niya nang pintuan nang bahay nila.

"Walang good sa morning ko!" Inis na saad ko saka ko siya tinulak patagilid para maka-pasok ako sa loob nang bahay nila. "Anong breakfast niyo? I'm starving." Reklamo ko habang iginagala ko ang paningin ko sa kabuohan nang bahay nila.

Matagal na rin kasi ang huling pumunta ako dito kaya naninibago ako. Simula kasi nang maging highschool kaming dalawa ni Kaylin ay nabawasan na ang bonding namin at sa campus na lang kami halos nagkikita.

Pareho kasi kaming nabusy sa mga kaniya kaniya naming buhay pero hindi naman nawala ang pagiging close namin sa isa't isa dahil lumalabas pa rin naman kami kapag may pagkakataon.

"Awwwww! It hurts!" Malakas na sigaw ko nang biglang kurutin ni Kaylin ang tagiliran ko. "What's wrong with you, Kaylin?! Bakit mo ako kinurot?!"

"Shut up! Nasa Dining area lang sila Mommy at King! Paano kung marinig ka nila?!" Nanggigigil na saad niya.

"Ang layo natin sa Dining area, Kaylin. Hindi nila tayo maririnig! Huwag kang OA masyado!"

"Kahit na!"

"Edi sorry! Tsk! Hindi mo kailangan mangurot, Kaylin. Ang sakit kaya!"

"Sasaktan talaga kita kapag hindi ka umayos diyan!"

"Ang sadista mo talagang babae ka!"

"Tsk! Halika na nga. Kanina ka pa hinihintay nila Mommy." Masungit na saad niya saka niya ako inirapan at tinalikuran.

Akala niya ang ganda niya para mag-inarte!

Kahit naiinis ay sumunod ako sa kaniya at nilagyan ko nang magandang ngiti ang mukha ko para kapag nakita kami ni Tita Melody ay hindi siya mag-duda.

Alam ko kasing hindi siya maniniwala na magiging kami nang anak niya dahil nakita niya ang lahat nang pag-aaway namin simula pagka-bata!

Nasusuka nga ako dahil kasama ko siyang humihinga sa iisang lugar ngayon!

"Sanji!" Masayang sambit ni Tita Melody pagka-kita niya sakin.

"Good morning, Tita Melody." Nakangiting bati ko sa kaniya saka ako lumapit at humalik sa pisngi niya. "Lalo kayong gumaganda ngayon ah? Sabihin mo naman sakin ang sekreto mo, Tita."

"Hindi naman, Sanji. Nasa dugo na talaga namin ang pagiging maganda. Hehehe!" Biro niya kaya natawa ako.

"Kuya Sanji!" Sigaw naman ni King pagkakita niya sakin, batang kapatid ni Kaylin.

Iniluhod ko ang isang tuhod ko para magpantay kaming dalawa at niyakap siya. "Big boy ka na ah?"

"Syempre naman po! Kailangan ko pong maging big boy agad para ma-protektahan ko si Ate Kaylin sa mga bad guys!"

Ginulo ko ang buhok niya. "That's right. Walang ibang puwedeng umaway sa Ate mo maliban satin."

*Boink!*

"Aray, Kaylin!" Malakas na daing ko nang bigla akong batukan ni Kaylin!

Sinamaan niya ako nang tingin. "Shut up!"

Nakaka-ilan na ang babaeng 'to ah! Kung wala lang talaga ang pamilya niya ay kanina ko pa siya sinipa sa mukha! Ang sarap niyang paliguan nang suntok!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon