Chapter 86

143 6 1
                                    

LUCY'S POV

"Masyado kang pakielamero!" Galit na sigaw ni Nathan at akma nya sanang hahampasin ng baseball bat si Rayver pero mabilis 'yong sinalag ni Rayver at malakas syang sinipa sa tiyan dahilan para mapa-atras si Nathan. "Ano pang iniintay nyo?! Tirahin nyo na sila!" Utos nya sa mga kasama nya kaya isa isa silang sumugod samin!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Masyadong naging mabilis ang lahat. Nag-uusap lang kanina sila Nathan at Rayver tapos nagka-gulo na!

Hindi ko maiwasang maibuka ang bibig ko habang magka-salubong ang kilay na pinapanood ko sila Rayver, Frank, Kyle at Jacob na makipag-bakbakan!

P-para akong nanonood ng gera! Lahat ay duguan at nagpa-patayan!

Bawat sumusugod sa kanilang apat ay sinusuklian nila ng suntok, sapak, sipa, tadyak at lahat yon ay hindi ko makapaniwalang napapanood!

Malalayong malayo sa pilyong Rayver ang nakikita ko ngayon, matalim ang mga titig nya at nakaka-matay ang mga suntok nya!

Hindi ko na rin halos makilala sila Frank, Kyle at Jacob habang nakikipag-suntukan sila. Masyadong madilim ang mga mukha nila at hindi sila ngumingiti dahilan para kahit ako mismo ay matakot sa kanila!

Ibang iba sila ngayon.. parang hindi ko sila kilala..

"Aaahhh!"

Pero nagulat ako ng may lalaking sumugod samin kaya mabilis akong humarang sa harap ni Linclon para protektahan sya!

"Lucy!" Sigaw nila Frank.

Ibinuka ko ang paa ko at tumagilid para dipensahan ang sarili ko. Nang maka-lapit sakin ang kalaban, binigyan ko sya ng left hook, at right jab and another pad-cracking roundhouse kick dahilan para bumagsak sya sa sahig!

"Lucy!" Gulat na sigaw ni Linclon.

"Good job, Lucy!" Nakangiting sabi naman sakin ni Frank habang naka-thumbs up sya kaya napangiti ako.

"Lucy, what are you doing?! Ako dapat ang pumoprotekta sayo! Umalis ka dyan! Mapapahamak ka lang!" Galit na sigaw sakin ni Linclon kaya nilingon ko sya at hinawakan ang nanginginig na kamay nya.

Natatakot sya..

"Makinig ka sakin Linclon.. gusto kong tumakbo ka papunta kila Kai at sabihin mong kailangan namin sya dito!" Utos ko sa kanya.

"Pero paano ka Lucy?!"

"Dito lang ako.. Sasamahan ko sila.."

"Ano?! Hindi pwede! Sasama ka sakin! Hindi ka pwedeng ma-iwan dito!" Inis na sabi ni Linclon at hinawakan nya ako sa pulsuhan ko kaya mabilis akong nagpumiglas!

"Pero kailangang nandito ako, Linclon. Kailangan ko silang tulungan!" Hindi ko na napigilang mag-taas ng boses kaya natigilan sya. "P-please.. kahit ngayon lang Linclon.. Maki-sama ka naman.. Hindi ito ang oras para pairalin mo 'yang katigasan ng ulo mo!"

"Ayoko! Hindi ako aalis!" Pagmamatigas pa rin nya. "Kung aalis ako dito, paano ka, Lucy?! Sino na lang ang poprotekta sayo?!"

"Kaya ko ang sarili ko.."

"Pero nag-aalala pa rin ako sayo, Lucy! Mahalaga ka samin!"

"Wag kang mag-alala sakin Linclon.. Kaya ko ang sarili ko at nandyan sila Rayver para protektahan ako.. Kung talagang nag-aalala ka sakin--- susundin mo ang inutos ko sayo.."

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon