Chapter 53

463 30 10
                                    

KAI'S POV

*Flashback*

"Nasaan na sila Master Linclon at Sanji?" Napalingon kami ni Levis kay Lucy ng magtanong sya habang papalabas kami ng Mansion. "Bakit hindi pa sila nalabas? Hindi ba sila sasabay sa atin?"

Si Sanji! Na naman!

"Tch! Pabayaan mo na ang dalawang gunggong na 'yon, Lucy! Pumasok na tayo !" I said, annoyed.

"Hindi pwede, Master Kai.. Kailangan sabay sabay tayong pumasok." Sambit ni Lucy dahilan para matigilan ako. "Sandali lang.. Aakyatin ko muna sil---"

"There's no need. Linclon says he will not also go to school."  Sambit ni Levis.

Bakit ba trip na trip nang gunggong na'to na mag-english kahit napaka-aga pa?! Pa cool masyado, supot naman!

"Bakit daw, Master Levis?" Tanong ni Lucy.

"He told me he would try to talk to Sanji." Masungit na sagot nya at tinalikuran kami. Nainis naman ako sa inasal nya sa harap ni Lucy at akma ko na sana syang susugurin ng mag-salita pa sya. "But I know.. he only said that because he didn't want to go to school. Tss!" Lagitik nya at nangunang ng lumabas nang Mansion.

"Let's go, Lucy. Mala-late na tayo." Lahad ko ng kamay ko sa harap nya pero nagulat ako ng tingnan lang ni Lucy ang kamay ko at nginitian ako.

"Hindi na ako papasok, Master.. Mag-ingat na lang kayo sa byahe nyo.."

Nag-salubong ang kilay ko dahil sa inis. "Ano?! Bakit naman, Lucy?!"

Bumuntong hininga sya. "Hindi ko pwedeng iwanan sila Master Linclon at Sanji dito sa Mansion.. Kailangang may mag-asikaso sa kanila.."

"No! Papasok ka, Lucy! Sasabay ka sakin!" Galit na higit ko sa braso nya at hinila sya palapit sakin! "Hindi ka pwedeng maiwan dito kasama ang gunggong na Sanji na 'yon! You're mine!"  Nakita ko ang gulat sa mukha ni Lucy dahil sa pagtataas ko ng boses sa kanya pero hindi ko na nagawang pansinin pa yon dahil sobrang naiinis ako!

Naiinis agad ako maisip ko pa lang na maiiwang magkasama si Lucy at Sanji dito sa Mansion! Kahit pa kasama nila si abnong Linclon, hindi matanggap ng utak ko ang eksenang magkakasama silang dalawa! Parang gusto ko na agad mag-wala! At banatan ang lahat ng aawat sakin!

Lucy's mine! No one can take her away from me! I'll kill whoever tries to approach her! I'm not the jealous type but what's mine is mine! And Lucy is all mine! End of the story!

"M-master.. N-nasasaktan ako.."

Pero bigla akong natauhan ng marinig ko ang nanginginig na boses na yon ni Lucy! Para akong binuhosan ng malamig na tubig ng makita ko ang takot sa mga mata ni Lucy habang naka-tingin sya sakin!

At doon ko lang napagtanto ang katangahan ginawa ko dahil hinayaan kong lumabas ang demonyong ugali ko sa harap ni Lucy!

Mabilis kong binitawan si Lucy at don ko nakita ang namumulang braso nya! "S-sorry, Lucy.. Sorry.." Nanginginig na hinawakan ko ang dalawang kamay nya at tiningnan sya sa mata pero iniwas nya ang tingin nya sakin! Parang binomba ng isang daang libo ang puso ko dahil sa ginawang pag-iwas sakin ni Lucy at hindi ko na nga napigilan ang sarili kong yakapin sya at kissan sa noo! "S-sorry Lucy.. H-hindi ko sinasadya.. S-sorry!" Ibinaon ko ang ulo ko sa balikat ni Lucy habang paulit-ulit na minumura ko ang sarili ko.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon