Chapter 50

741 45 15
                                    

LEVIS POV

Nakarating kaming dalawa ni Linclon sa University nang hindi kami nag-uusap. Naging tahimik kasi siya sa byahe na sobrang nakakapagtaka.

Sanay akong maingay siya kaya takang taka talaga ako kanina dahil sobrang tahimik niya.

Sinubukan ko siyang tanungin kong ano bang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Sanji kanina sa Mansion pero hindi niya ako pinansin kaya hinayaan ko na lang din siya at hindi na ako nagtanong pa.

"Mauuna na ako, Levis! Thank you ulit sa pag-sabay sakin. Sa uulitin. I love you!" Nagmamadaling saad niya pagka-labas naming salawa sa kotse ko saka siya kumaripas nang takbo papasok nang University.

"Tss. Moron!"

Pero napako ang paningin ko sa kotse ni Kai nang makita kong nakaparada ito sa kabilang side nang Parking lot.

Tss! Another idiot.

Pero aaminin kong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa school dinala ni Kai si Lucy at hindi sa kung saan lupalong nang lugar katulad nang ginawa nya nong Friday.

Hindi ko kasi gusto ang bagay na 'yon. Hindi ko kayang makita na mag-kasama silang dalawa. Naiisip ko pa lang pero naiinis na ako at sumisikip na agad ang dibdib ko sa sakit.

Damn heart. Why are you so weak?

Hindi ako tanga para hindi ko malaman ang nararamdaman ko para kay Lucy. Bago ang lahat, ako ang unang makaka-alam at makaka-pansin noon.

I know.. I like her.

At hindi simpleng pagka-gusto lang ang nararamdaman ko para kay Lucy. Malalim na sya at hindi na kayang pigilan pam

Yes. I like Lucy.. a lot.

Nong una, nakipag-talo pa ako sa sarili ko kasi hindi ko matanggap na magugustuhan ko ang isang katulad nya.

Ayaw kong aminin sa sarili ko na may gusto ako sa babaeng weird at hindi mo malaman ang takbo nang utak.

Pero habang tumatagal ay hindi ko na napansin na nae-enjoy ko na pala ang feelings ko para kay Lucy.

Sumasaya ako sa tuwing nakikita ko sya. Parang buo na agad ang araw ko makita ko lang ang mukha nya. Pero naiinis naman ako kapag nakikita kong kasama o kausap nya ang isa sa mga pinsan ko.

Tss!

Hanggang sa umabot na nga ang puntong hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan kong mahulog ang loob ko kay Lucy na alam ko namang madami akong makaka-laban.

And that's my problem right now.. kapag pinaglaban ko ang feelings ko para kay Lucy. Dalawa sa pinsan ko ang makaka-laban ko.

"The world is cruel." Wala sa sariling nasabi ko habang nakapanlumbaba ako.

"Who's cruel?"

"Jester!" Gulat na sigaw ko nang bigla sumulpot sa harapan ko si Jester. He's Jester Alcantara. Best friend at classmate ko since grades school.

"What's happening to you, Levis? Kanina ka pa parang tangang naka-tulala dyan." Takang tanong nya dahilan para matauhan ako at mapatingin sa paligid ko.

Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako nang room at tulala sa kung saan. Shit! Ganon ba kalalim ang iniisip ko para hindi ko mapansin ang ginagawa ko?

Tss. Stupid feelings!

"I.. u-uhm.. May iniisip lang ako---"

"May problema ka ba, Levis?" Jester asked and sit beside me.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon