Chapter 9

1.2K 84 0
                                    

LINCLON'S POV

A-anong gagawin ko?!

Hindi mapakali at nanginginig na isip ko habang pinapanood kong maglinis si Whitelasy dito sa loob ng kwarto ko!

Oo! Nandito sya sa kwarto ko!

Wala na kasi akong nagawa nong pumasok sya dito kanina! Nadala ako ng takot ko sa kanya! Hindi ko sya napigilan! Tinitingnan ko palang sya nanginginig na ang tuhod ko!

Bading ka Linclon!

Marahas akong umiling! Hindeeee! Sadyang nakakatakot lang talaga sya! Kahit yata sinong makakita sa kanya matatakot eh!

Bakit ba kasi ganyan ang itsura nya?! Mukha syang kampon ng kadiliman!

Kaya ngayon para akong tangang naka-upo dito sa kama ko at nginangatngat ang kuko ko habang pinapanood ang bawat galaw nya!

Kailangan ko syang bantayan ng maigi. Kyaaaaaaah! Ayokong mamatay sa kamay ng babaeng to!

"Evil spirit be gone..evil spirit be gone!" Mahinang dasal ko.

Bakit ba kasi ayaw gumalaw ng katawan ko!?

Buset! Kanina ko pa gustong tumakbo papalabas sa kwartong to para maka-layo ako sa kanya pero hindi ko magawa kasi hindi ako makagalaw!

Sobra akong natatakot! MommyLaaaaa! Papatayin nya ako!

Pero hindi sya magtatagumpay kasi handa ako! Hawak ko parin kasi ang baseball bat ko na kinuha ko dun sa loob ng kwarto ni Kai nong nakaraang araw para lang dito!

Patay ako kay Kai pag nalaman nya to

Alam ko kasi na pupuntahan ako ng nakakatakot na babaeng to para patayin kaya naghanda ako!

Sayang nga lang hindi tumama sa kanya yung isang timba ng tubig na hinanda ko kanina sa pintuan para tamaan sya at himatayin! Edi sana tapos na ngayon ang problema naming lahat!

Pasalamat ka ma-swerte ka, Whitelady!

Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko ngayon! Basta sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Tumataas din ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa hindi ko malamang dahilan!

B-baka natatae ako?

Marahas akong umiling! Ano kaba, Linclon?! Kakatapos mo lang tumae kanina kaya imposible yun!

Umayos ka Linclon nasa peligro ang buhay mo!

Pero bigla akong napatuwid ng upo at humigpit din ang hawak ko sa baseball bat ko ng bigla akong nilingon ni Lucy! Nagwala ang sistema ko!

A-anong tinitingin tingin nya?! Papatayin na ba nya ko?! Kyaaaah!

"B-bakit ka nakatingin?! A-anong binabalak mo?! W-wag kang magkakamaling lumapit sakin! Ihahampas ko talaga sayo to!" Nanginginig na banta ko sa kanya!

Lord, help me!

Pero nakahinga ako ng maluwag ng magpatuloy ulit sya sa paglilinis. Thank god! Im alive! Mahal parin talaga ako ng panginoon!

*Boogsh!*

"Kyaaaaaaah! Whitelady!" Malakas na sigaw ko!

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa gulat ng biglang padabog na bumukas ang pintuan ko!

Putcha!

Mabilis akong bumangon at tiningnan kong anong nangyari! Naabutan kong nakahiga si Sanji sa sahig at mukhang nadulas sya dahil don sa tubig na nalaglag kanina dahil sa plano ko!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon