Chapter 83

149 8 2
                                    

LUCY'S POV

"Premier the Samgyupsal.." Mahinang basa ko sa pangalan ng lugar na pinuntahan namin. Isa syang Korean barbecue restaurants.

Sa taguig na kami dinala ng ka-gutoman namin. Isa isa kaming pumasok at pumwesto sa dulo dahil madami kami. Dinala kami ng staff sa malaking lamesa na merong dalawang grill.

Ganito ang upo namin. Sa kanan, ako, si Kai, si Sanji at Kaylin ang naka-upo. Habang sila Levis, Cali, Linclon at Queenie ang nasa kaliwa.

"Kaylin, ikaw na ang mag-order." Utos ni Sanji sa girlfriend nya.

"Ano bang gusto nyo?" Tingin samin ni Kaylin.

"Lahat nang nasa menu. Tapos um-order ka na rin nang dalawang soju para quality! Hahahahaha!' Sagot ni Sanji.

"What? Kaka-inom lang natin kagabi, Sanji, tapos iinom ka na naman ngayon?! Bawal! Hindi pwede! Mag-tubig ka na lang dyan kung nauuhaw ka!" Inis na sigaw ni Kaylin.

"Tama sya.. Hindi makaka-buti sa inyo ang pag-iinom nang alak.." Sambit ko.

"Pero minsan lang naman kami mag-inom, Lucy, kaya please payagan nyo na kaming uminom! Mas masarap mag-samgyup kung may soju! Pleaaasee?"

Napalingon sakin si Kaylin na para bang humihingi sya nang tulong sakin kaya malakas akong napabuntong hininga bago ako tumango.

"Yeeeehhheeyyy!" Malakas na sigaw nila Sanji at Linclon na nag-apir pa.

"Tsk! Mga lasinggero!" Inis na sambit ni Kaylin.

"Thank you, Lucy! Hehehe!"

"Thank you mo mukha mo!" Inis na sigsw ni Kaylin kay Sanji bago sya pumunta sa counter at nag-order.

Natawa tuloy sila Levis, Cali at Queenie sa kanila. Sumandal naman ako sa upuan at..

Napatingin ako sa ilalim nang lamesa nang hawakan ni Kai ang kamay ko. Dahan dahan akong napatingin sa kanya at nag-tama ang paningin naming dalawa.

Kai..

"P-pupunta na muna ako sa restroom." Sambit ni Queenie kaya napalingon kami sa kanya.

Tumango ako. "Sige.."

Nginitian muna ako ni Queenie bago nya kinuha ang bag nya at naglakad na papunta sa restroom.

"Pupunta na rin muna ako sa restroom."

Pero gulat akong napatingin kay Linclon nang tumayo din sya at mabilis na sumunod kay Queenie.

"Oh, saan pupunta 'yon?" Takang tanong ni Kaylin pagkabalik nya sa upuan namin.

"Sa restroom." Sagot ni Kai.

"Ano nga pa lang problema ni Linclon? Bakit sobrang tahimik nya ngayon? Tapos ang sungit sungit nya pa." Nakangiwing tanong ni Kaylin sa amin.

Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Linclon simula kaninang umaga pa at nag-aalala na ako dahil hindi ako sanay na ganito sya.

Ano kayang nangyari sa kanya?

"Baka may regla kaya masungit? Hahahaha!" Biro ni Sanji.

"Inaway nyo ba sya, Kai?" Tanong ni Kaylin habang pinaliliitan nya nang mata si Kai na agad naman na nagsalubong ang kilay.

"What? No! Labas kami dyan!"

"Eh bakit ganon si Linclon? Siguro may ginawa na naman kayong kalokohan sa kanya, ano? Umamin na kayo!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon