LUCY'S POV
"Lucy!" Napalingon ako sa loob nang Mansion nang marinig ko ang excited na boses ni Sanji. "I'm sorry for making you wait. Nahirapan kasi akong pumili nang isusuot eh. Hehehehe!"
Napatingin ako sa suot nya. Naka-suot sya nang well fitted white collar shirt at light blue ripped jeans saka nya 'yon pinartneran nang white sneakers. At aaminin ko, ang gwapo nyang tingnan ngayon sa porma nya.
Noon ko pa alam na gwapo si Sanji pero dahil sa porma ngayon ay mas lalong umangat ang itsura nya.
Ngayon ko lang sya nakita sa ganitong damit kaya nakakapanibago ito para sakin. Parang hindi sya ang kilala kong si Sanji na buntot ng buntot sakin.
"Okay lang.. Tara na?"
Araw kasi nang linggo ngayon at day off ko kaya napagpasyahan kong mag-simba.
Wala naman kasi ako pwedeng ibang puntahan pa kaya naisip kong mag-simba na lang.
Hindi ko na din kasi alam kung kailan 'yong huling pumunta ako sa Simbahan. At nong nalaman ni Sanji na magsisimba ako ngayon ay nagpumilit syang sumama sakin.
"Hey, are you alright, Lucy?"
Napakurap kurap ako nang hawakan ni Sanji ang braso ko nang tumagal ang titig ko sa kanya.
"U-uhm.. oo.. sorry.. Halika na---"
"You look so beautiful in white, Lucy."
"T-thank you.."
"Para kang whitelady pero syempre 'yong pretty! Hehehe!"
"A-ahh.."
Katulad kasi nang sinabi ni Sanji. Naka-white dress ako na lagpas tuhod.. Sa mga ganitong damit kasi ako sanay kaya ito ang napili kong isuot.
"Wait muna, Lucy. Kukuhanin ko lang 'yong kotse. Hehehe!" Paalam nya sakin saka sya naglakad papunta sa Garahe.
Ikaw din.. Ang gwapo mo..
"Waaaaaaaaah! Whitelady!"
Pero nagulat ako nang may biglang sumigaw sa likuran ko. Nilingon ko ito at nagtaka ako nang makita ko si Linclon na naka-upo sa sahig at gulat na naka-turo sakin.
Sunod kong tiningnan si Levis na nasa likuran nya at bagot na naka-tingin sakin. May dala syang libro at kape. Hula ko ay pupunta sya sa Garden para doon mag-basa.
"Master Linclon.. Master Levis.." Sambit ko saka ko sila hinarap.
"W-whitelady?! Ikaw 'yan?!" Gulat na tanong ni Linclon.
"Tss." Lagitik naman ni Levis at tinalikuran kami at tumungo na sa Garden.
Ang sungit pa rin nya sakin..
"B-bakit ganyan ang itsura mo?!" Napalingon ako kay Linclon ng tanongin nya ako. Nakatayo na sya ngayon at nakatingin sa suot ko.
"Mag-sisimba kasi ako.."
"Magsisimba?!"
"Oo.. Gusto mong sumama, Master?"
"A-ayoko!" Sabi nya pero hindi ako sumagot. Tumikhim sya matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. "K-kung magsisimba ka pala.. B-bakit ganyan ang itsura mo?!"
"Bakit? May mali ba sa suot ko?" Tanong ko at tiningnan ang kabuohan ko.
"Nagtanong ka pa talaga! Malamang oo! Hindi mo ba nakikita 'yang itsura mo? Kahit pari matatakot sayo! Baka buhusan ka pa ng isang baldeng holy water!" Inis na sabi nya.
"Wala namang mali sa suot ko.."
"Meron! Mukha ka kayang whitelady!Mag-palit ka don! Baka takutin mo lang lahat ng nagsisimba! Hindi pa matuloy ang misa!"
"Hindi na Master.. Malalate lang kami.. 8 ang simula ng misa.."
"7:00 palang! Pwede ka pang mag-palit!"
"Hoy! Ano bang ini-ingay mo dyan bakla?!"
Napalingon kami sa gilid namin ng businahan kami ni Sanji. Inis syang lumabas ng kotse nya at lumapit samin.
"Bakit mo sinisigawan si Lucy?!" Inis na tanong ni Sanji.
"Tingnan mo kasi ang itsura nya, Sanji! Tinalo pa nya si Sadako sa sobrang creepy nya!"
"Ano bang pakialam mo?! Lucy can wear everything she wants."
"Ano?! Hahayaan mo lang syang lumabas ng ganyan ang suot?! Nakakahiya sya, Sanji!"
"Wala akong pakielam! Maganda pa rin si Lucy kahit anong isuot nya!" Namula ang mukha ko sa sinabi yong ni Sanji.
"You're crazy!"
"And you're asshole! Tsk! Let's go, Lucy." Hila sakin ni Sanji papunta sa kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto. "Ingat, Lucy." Sabi nya at pinrotektahan ang ulo ko habang papasok ako.
"Thank you.." Sabi ko pagka-upo sa shotgun seat.
"Welcome! I love you too!" Ngiting sabi nya at sinara ang pinto at pumunta na sa kabila para sumakay.
I.. Love you too?
Nakita ko pang nakipag-asaran si Sanji kay Linclon bago sya pumasok ng kotse. Napabuntong hininga ako. Bakit ba sila ganyan? Hindi ba sila mabubuhay ng hindi sila nag-aaway?
"Sorry, Lucy! Bading kasi si Linclon eh! Hehehehe!" Sabi ni Sanji habang nagse-seat belt sya. Kaya gumaya din ako at sinubukan ko ding magseat-belt. "Wait Lucy! Wag!" Pero natigilan ako ng bigla akong pigilan ni Sanji.
"Bakit?"
"Ako na.. Hehehe!" Sabi nya at sya nga ang nagseat belt sakin. "There." Sabi nya pagtapos nya at umayos na ng upo. "Lets go, Lucy?" Tanong nya kaya tumango ako. "Okay! Tara na! Sa kasal nating dalawa! Hahahahahaha!"
"Huh?"
"Joke lang Lucy! Para kasi tayong pupunta ng kasal natin eh! Hahahahaha!" Sabi nya at tawa tawang pinaandar ang kotse.
Loko loko talaga sya..
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...