LUCY'S POV
"Lucyyy!"
Gulat akong napalingon sa likuran ko nang mangibabaw ang napakalakas na boses ni Sanji habang nagdidilig ako nang mga halaman dito sa Garden.
Nakita kong tumatakbo sya palapit sakin habang naka-taas ang dalawang kamay nya sa ere.
Anong ginagawa nya dito?
"Luccccy!" Nakangiting tawag pa nya sakin kaya naalala ko si Joker dahil sa itsura nya ngayon.
Tinigil ko ang pagdidilig ko sa mga halaman at hinarap sya. "Anong ginagawa mo dito, Master?"
Gusto kong masilaw sa sobrang ganda nang pagkakangiti nya sakin pagkadating nya sa harap ko. May tao bang ganito ngumiti? Nakaka-silaw sya. Para syang walang dinadalang problema.
"Hi! Good morning, Lucy! Naka-uniform ka.. na.. d-daw.."
Pero nagtaka ako nang hindi na nya nagawang i-tuloy pa ang sasabihin nya nang mapatingin sya sa uniform ko.
Anong nangyari sa kanya?
"Master?" Tawag ko pa sa kanya pero nagulat na lang ako nang bigla syang umiyak!
"B-bakit, Lucy?! B-bakit?! Huhuhuhuhu!"
"A-anong nangyayari sayo, Sanji?"
"MommyLaaaaa! Huhuhuhuhu!"
"S-sanji? A-anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Naguguluhan na tanong ko!
"B-bakit.."
Anong bakit?
"Bakit ang haba nang uniform mo, Lucy?! Huhuhuhu!" Umiiyak na sigaw nya habang naka-turo sya sa uniform ko!
"A-ano?"
"Pangarap mo bang maging madre?! Huhuhu! Hindi 'yan ang iniimagine ko na magiging itsura mo kapag naka-uniform ka na, Lucy! Sinira mo na naman ang imagination ko! Huhuhuhu---"
"Tch!"
Pero sabay kaming napalingon ni Sanji sa gilid namin nang marinig naming may lumagitik.
Nakita namin si Kai na salubong ang kilay na naka-tingin samin habang nasa bulsa nang pantalon nya ang parehong kamay nya.
Ngayon pa lang sya umuwi?
Umalis kasi sya kagabi at hindi ko alam kung saan sya nagpunta. Hindi ko na kasi sya sinubukang tanungin pa dahil alam kung mas lalo lang syang magagalit sakin.
Pero napatingin ako sa gilid nang labi nya nang makita kong may sugat sya doon.
Napa-away na naman ba sya?
"Anong nilalagitik mo dyan?!" Inis na sigaw sa kanya ni Sanji. "Wag ka ngang magpapansin dito! Umalis ka! Distorbo ka sa moment naming dalawa ni Lucy!"
"Tch! Bilib din ako sayo, manyakis. Wala ka talagang pinipiling babae. Lahat ay pinapatulan mo."
"Anong sinabi mo?! Gusto mo bang dagdagan ko 'yang bangas sa mukha mo?!"
"Can you beat me?" Nakangising tanong ni Kai kaya nawalan nang imik si Sanji.
Pero nagitla nang bigla akong lingonin ni Kai saka nya ako pinasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...