LINCLON'S POV
"Aaaargh! Lucyyy! Badtrip ka!" Malakas na sigaw ko pagkagising ko at padabog na bumangon. "Kailan ba ako makaka-tulog nang maayos?! Ayoko nang bangungutin! Palagi na akong puyat! Ang laki na nang eyebags ko! Huhuhuhuhu!" Umiiyak na sambit ko.
Tulad kasi nang laging nangyayari, binangungot na naman ako nang nakaka-takot na itsura ni Lucy. Halos araw araw ko na syang napapanaginipan. Hindi na ako nakaka-tulog maayos dahil sa babaeng 'yon!
"Aaaaaargh! Lucyyy!" Sigaw ko pa at inis na nagpapatadyak sa kama pero bumagsak ang balikat ko at napanguso ako nang mapansin kung mukha akong tanga. "Tsk! Maka-inom na nga lang tubig." Inis na ginulo ko ang buhok ko at tamad na bumangon!
Pagkarating ko sa tapat nang kusina ay nag-sign of the cross muna ako bago ako tuluyang pumasok. Sure kasi akong nasa loob na ang baliw at nakaka-takot na yaya namin at nagluluto nang breakfast!
Kayo nang bahala, Lord!
Pero tumaas ang dalawang kilay ko nang makita kong wala sya pagkapasok ko. Malinis ang kusina at walang bakas nang kahit anong masamang aura ni Lucy!
Nasaan sya?
Nagkibit balikat na lang ako at mabilis na pumunta sa reyf para uminom nang malamig na tubig. Napangiti ako. Swerte! Wala sya. Yahooo!
Napapikit pa ako dahil sa sobrang lamig nang tubig na iniinom ko. Damang dama ko sya hanggang sa lalamunan ko at kahit papaano ay nabawasan ang init nang ulo ko!
Ngunit nanlaki ang mata ko sa gulat pagkadilat ko nang may kamay na sumulpot sa gilid ko at kinuha ang gatas na naka-lagay sa loob ng refrigerator!
Si Lucy!
Naibuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa takot at mabilis syang nilingon. "Lu.. Levis!?" Inis na sigaw ko nang bumungad sakin ang bagot at bagong gising na mukha nya!
Akala ko si Lucy na! Bwesit!
"What?!" Asik nya sakin!
Sya pa galit?! Hanep!
Sinamaan ko sya ng tingin. "Siraulo ka! Bakit ka nanggugulat?!"
"Tss! What the hell are you saying?!"
"May pasulpot sulpot ka pa kasi nang kamay na nalalaman! Para kang si Lucy! Parehas kayong abnormal!"
"Tss! Moron. At pwede bang punasan mo 'yang bibig mo. Ang dumi mo!" Nandidiring turo nya sa mukha ko kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya bago ko inis na pinunasan ang bibig ko gamit ang manggas ng white t-shirt ko.
Duraan ko kaya sya?!
"At pwede din bang mag-salita ka pagdadating ka! Hindi 'yung bigla ka na lang susulpot sa likuran ko na akala mo multo! Gayagaya ka masyado kay Lucy!"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Nagsalubong na ang kilay nya sa inis.
"Na magsalita ka pagdarating ka para hindi ako nagugulat!"
"Tss. Hindi ko na kasalanan kong OA ka masyado."
"Ano?!"
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa tapat nang Fridge?!"
"Umiinom malamang!"
"Tss. Dyan mo pa talaga napiling uminom. Tumabi ka nga! Feeling model ka. Ang laki mong harang." Bagot na sabi nya at tinulak ako para kuhanin ang apple na nasa gilid ng refrigerator.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...