Chapter 74

158 6 0
                                    

CALI'S POV

"Thanks." Sabi ko sa tindera pagka-kuha ko nang order ko.

Madali naman akong nakahanap nang upuan dahil nasa counter pa halos lahat ang mga estudyante. Mukhang bago kasi ang babaeng nasa counter dahil sa bagal nya kumilos at natataranta pa sya. Gusto ko na nga syang tulungan kanina dahil nakaka-awa syang tingnan. Tsk!

Umupo ako sa bakanteng upuan na pang-apatang at inilapag ko sa lamesa ang tray na hawak ko.

Akmang kakain na sana ako nang maramdaman kong may nakatingin sakin. Inilibot ko ang mata ko sa buong Cafeteria at hinanap ang walangyang yon.

Pero kumunot ang noo ko nang magtama ang tingin naming dalawa ni Levis na nasa right side ko at matiim na nakatitig sakin!

Oh no, not this clown again..

Sinamaan ko sya nang tingin at iniwas ang tingin ko sa kanya. Pero mas lalo akong nayamot nang maramdaman kong nakatingin pa rin sya sakin! Kahit hindi kasi ako nakatingin sa kanya--- alam kong naka-tingin pa rin sya sakin!

Nakaka-yamot talaga ang buong pagkatao nya!

Kaya inis na nilingon ko sya at pinakyuhan dahilan para manlaki ang mata nya sa gulat. Inirapan ko sya at hindi ko na sya pinansin pa. Mawawalan lang kasi ako nang ganang kumain pag inintindi ko pa sya!

"Hahahahahahahaha!"

Pero napalingon ako sa table na nasa unahan ko nang tumawa sila nang malakas.

"Smile, Queenie!" Tawa tawang sabi nong babae na malaki ang mata at bahagyang gumalaw kaya nakita ko tuloy kung sino ang pinagti-tripan nila.

Isang nerd na babae.

Halos mapangiwi ako ng makita ko ang itsura nya. Nahiya ang clown sa sobrang kapal ng make-up nya.

Sobrang puti kasi ng mukha nya ngayon. Naka-pang joker din ang bibig nya at may kulay pulang bilog pa sya sa magkabilang gilid ng pisnge. Parang yon sa intsik at hula ko lipstick ang ginamit para malagyan sya ng ganon.

"Napaka-ganda mo, Queenie. Pwede ka nang ipasok sa circus!" Sabi pa nong isang babae na maikli ang buhok bago malakas na tumawa.

So Queenie pala ang pangalan nya?

Pero gulat akong napatingin sa paligid ko ng mapansin kong nagtatawanan din yong ibang mga estudyante na nanonood din pala sa kanila. Napalagitik ako sa inis.

Mukhang hindi lang tong dalawang babae ang may pangit na ugali kung hindi pati din sila. Imbis kasi na tulungan nila, pinagtatawanan pa nila!

"Yeah, sa Circus nang mga walang kwentang nerd. Hahaha! Anong itsura 'yan, Queenie? Mag-smile ka naman. Mukha kang malungkot na clown!" Mapang-asar ding sabi nong isa na naka-upo sa tabi ni Nerd na syang may hawak ng lipstick.

"Dagdagan pa natin, Queenie. Para mas lalo kang gumanda!" Nakakalokong dagdag pa nya at hinawakan ang mukha ni Nerd para lagyan ulit ng lipstik sa pisngi pero umalma si Nerd!

"T-t-tama na.. please.." Utal at halatang takot na sabi nong Nerd.

Mukhang hindi naman yon nagustuhan nong babae kasi nagbago ang itsura ng mukha nya. Nakita ko din kung paano humigpit ang pagkaka-hawak nya sa pisngi ni Nerd!

"What did you say nerd?" Inis na tanong nya.

"A-aray.. N-nasasaktan ako, Diana."

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon