LINCLON'S POV
"I'm done. I'm leaving."
Napa-angat ako nang tingin kay Sanji nang tumayo sya sa kalagitnaan nang pag-aalmusal naming tatlo ni Levis dito sa Dining area.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sya takang tiningnan. "Y-you're already going, Sanji?"
"Yeah, do you have any problem with that?" Masungit na tanong nya sakin kaya kinabahan ako!
Lumipas ang Sabado, Linggo at Lunes na naman pero kakaiba na si Sanji! Sobrang kakaiba!
Kung noong nakaraan tahimik lang sya--- ngayon sobrang tahimik na nya! Kung nong nakaraan din seryoso lang sya--- ngayon napaka seryoso na nya! At kung nong nakaraan, nasasakyan ko pa ang mga kasungitan nya--- Ngayon hindi na!
Ubod sya nang kasungitan!
Alam kong hindi sya okay. O mas mabuti yatang sabihin kong--- Hinding hindi talaga sya okay!
"N-no. That's not what I mean." Maingat na sagot.
Kumunot ang noo nya. "Then what?!"
Kung dati si Kai lang ang kinatakutan ko, ngayon pati na rin si Sanji! Sobrang nakakatakot kasi nya kapag seryoso sya! 'Yon tipong mag-aalangan kang kausapin sya kasi baka bigla ka na lang nyang kainin nang buhay!
Tsk! Ang hirap maging broken hearted!
Napatingin ako sa pagkaing nasa plato ni Sanji na hindi man lang nabawasan. "P-puno pa kasi 'yang plato mo oh. Ang dami pang laman. Sayang naman kung hindi mo uubusin."
"Edi ubusin mo!" Masungit na sabi nya at tinalikuran ako.
"Where are you going?"
"Pupunta na ako sa school!"
"W-what? Edi paano si Whitelady?!"
"Anong paano na si Lucy?!" Inis na tanong nya at hinarap ako.
"Hindi mo sya isasabay sayo?!" Tanong ko at napa-iwas sya nang tingin. "Kung aalis ka na pala, paano na lang si Whitelady?! Kanino na sya sasabay?!"
Inis nya akong tiningnan. "E-ewan ko! Bakit mo sakin tinatanong?!"
"Hindi mo talaga sya isasabay sayo?! Seryoso ka dyan?!"
"B-bahala na kayo sa kanya!" Sagot nya at tinalikuran ako kaya napantig ang tenga ko!
"Ano?! Alam mong sayo palaging sumasabay si Lucy tapos ngayon sasabihin mo saming kami nang bahala sa kanya?! Ayos ka lang, Sanji?!"
"Leave me alone!"
"Isabay mo sya sayo!"
"Ayoko!"
"Ano ba, Sanji?! Umayos ka nga! Para kang tanga!"
"Ayoko nga! I-sabay nyo sya sa inyo! Aalis na ako!"
"Wait, Sanji!" Habol ko sa kanya pero tuluyan na syang naka-labas nang Mansion. Napalagitik ako at padabog na umupo pabalik sa upuan ko. "Ano bang problema nang manyakis na 'yon?!"
"Tss! As if naman na hindi mo alam."
Napalingon ako kay Levis nang mag-salita sya. Nasa librong binabasa nya ang tingin nya.
"Nandyan ka pala? Hindi kita napansin ah?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Tss!"
Napa-sandal ako sa kinauupuan ko at bumuntong hininga. "Alam ko, ano! May masabi lang bakit ba?!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...