LUCY'S POV
Sobrang tahimik. Sobrang nanakibinging katahimikan ang bumabalot ngayon sa pagitan namin ni Master Kai habang nandito kami sa loob ng kotse nya at tinatahakang ang daan papunta sa Mall.
Napabuntong hininga ako. Ano kayang nangyari at nagbago ang isip ni Master Kai? Naka-inom kaya sya ng gamot? Napabuntong hininga ako ulit.
"Wag ka ngang bumuntong buntong hininga dyan!" Napaintag ako sa galit na boses na 'yon ni Master Kai na natural na sa kanya.
Napalabi ako. "Sorry, Master.."
"Alam kong ayaw mo akong kasama dahil mas gusto mong kasama 'yong manyakis na 'yon!"
"Huh?"
"Pero wag kang bastos! Ako ang kasama mo ngayon kaya wag mong iparamdam sakin na ayaw mo talaga akong kasama!"
Nakita ko ang paghigpit nang hawak ni Master Kai sa manubela habang salubong na salubong ang kilay nyang naka-tingin sa daan!
Nakaramdam ako ng kaba. "H-hindi Master.. May iniisip lang kasi ako---"
"Sino?! Si Sanji?!" Hinarap ako ni Kai at nakita ko ang galit sa mga mata nya. "Na sana sya ang kasama mo ngayon at hindi ako?!"
"H-hindi, Master.."
Ano bang pinagsasabi nya?
"Tch! Nasaan na ba 'yong pesteng supermarket na 'yon para maka-alis ka na?!"
"Master.. Mali kayo nang pagkaka-intindi---"
"Wala akong pakialam! Tumahimik ka dyan! Kanina pa ako naiinis sayo!" Sigaw nya kaya natahimik ako!
"S-sorry.." Mahinang sabi ko at tumingin na lang sa labas nang bintana. Nandito kasi ako sa shotgun seat.
Maya maya ay nakarating na din kami sa Mall na tinuro ko kay Master Kai. Bumaba ako sa kotse at hinarap si Master Kai.
"Sorry sa pang-aabala ko sa inyo Master.. at salamat.." Mahinang sabi ko pero parang wala lang narinig si Master Kai dahil diretsyo syang naka-tingin sa harap nya at hindi ako nililingon.
Napabuntong hininga ako nang paharurutin ni Kai paalis ang kotse nya at iniwan ako nang walang imik.
Hindi naman sa hindi ko sya gustong kasama.. Kinakabahan lang ako sa twing malapit sya..
"Tch!"
Akma na sana akong maglalakad papasok sa Mall nang makita ko si Master Kai na naglalakad palapit sakin habang nasa bulsa ang parehong kamay nya at salubong na salubong na naman ang mga kilay.
"Master.. Akala ko umalis na kayo?" Takang tanong ko pero sa loob loob ko ay masaya ako at hindi ko alam kung bakit.
Ano itong nararamdaman ko?
Nag-iwas sya ng tingin sakin. "Tch! A-alam kong ayaw mo akong kasama.." Inis nya akong tiningan. "P-pero tiisin mo 'yan! Sasama ako sayo kahit ayaw mo!"
A-ano daw?
"A-at wag mong bigyan nang ibang meaning ito! Hindi ako sasama sayo kasi g-gusto ko! N-natatakot lang ako na baka mag-sumbong ka kay MommyLa at pagalitan nya ako dahil iniwan kita-- T-teka! Bakit ka natawa?!" Inis na sigaw ni Kai sakin.
Natawa talaga ako. Ang kulit kasi ng mukha ni Master Kai habang sinasabi nya yon. Galit ang boses nya pero hindi ang mukha nya. Hindi nya ako kayang tinginan sa mata at gumagalaw galaw pa ang kilay nya.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...