Chapter 64

224 10 0
                                    

LUCY'S POV

"Alam mo ba dati Lucy... Nong hindi pa kami nakatira dito sa Mansion ay hindi kami close nila Kai." Panimula ni Linclon sa kwento habang naka-upo kami dito sa Garden at nagku-kwentuhan.

Actually si Linclon lang pala ang nagku-kwento dahil tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Pag-katapos ko kasing gawin ang lahat sa Mansion niyaya ako ni Linclon na tumambay daw kami dito sa Garden. Hindi naman ako umangal dahil wala na rin naman akong gagawin.

"Nagkikita naman kami tuwing may mga family gatherings at nagbabatian pero hanggang doon lang. Hindi na kasi kami maguusap pagtapos non at lalayo na kami sa isa't isa. Naiilang pa kasi kami kaya ayaw pa naming mag-usap. Tapos may time pa na papa-upuin kami sa isang table nang mga parents namin para daw maging close kami kaso hindi naman namin alam ang gagawin kasi hindi namin alam ang ugali ng isa't isa kaya ang ending hindi kami mag-uusap. Hahahahaha!" Natatawang kwento ni Linclon kaya bahagya akong napangiti.

Ang cute nya tumawa

"At ang nakaka-tawa pa, takot na takot talaga ako kay Kai dati. Palagi kasing salubong ang kilay nya at kung maka-tingin pa sya sayo ay parang pinapatay ka na nya sa isip nya. Mukha din syang gangster sa pormahan nya kaya hindi ko talaga sya halos maka-usap noon. Para kasi syang mananapak agad!"

Hanggang ngayon naman ay takot pa rin sya kay Kai..

"Si Levis naman ay masyadong snobber dati at napaka-sungit! Tsk! Ganon na ganon pa din naman ang ugali nya hanggang ngayon! Wala pa rin syang pinag-bago! Masyado pa rin syang masungit, mayabang at masama ang ugali! Feeling pa nya sya na ang pinaka-matalinong tao sa mundo! Kaya nga never kaming nagka-sundo dahil sa mga panget na ugali nya!"

"Hmm.." Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat sasabihin ko o dapat magiging reaction ko.

"Tapos si Sanji! Si Sanji! Huhuhuhu! Kung anong ugali nya dati ay syang ugali nya pa rin ngayon pero ro mas grabe! Mas malala! At mas nakaka-rindi Ang manyakis nya kasi masyado at puro babae na lang ang nasa utak nya! Masyado na syang nilalamon nang kalib*gan nya! Hindi ko nga alam kung kanino ba sya nag-mana kasi mabait naman ni Uncle Sebastian at normal pa! Sya lang 'tong abnormal!"

"Hahaha.." Hindi ko mapigilang mahinang mapatawa dahil sa itsura ngayon ni Linclon habang nagku-kwento sya.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maawa sa kanya. Halatang pagod na pagod na kasi sya sa mga pinsan nya at hindi na nya alam ang gagawin.

Ang cute nya talaga..

"Kaya nga nong sinabi sakin ni Mommy na titira na daw ako dito sa Mansion at silang tatlo ang makaka-sama ko ay talagang gumuho ang mundo ko! Nag-flashback bigla sakin ang lahat nang mga masasayang araw ko dito sa mundo! Kaya umayaw agad ako at sinabi kong ayoko pero hindi pumayag si Mommy at nagalit sya. Sabi nya kung hindi ko daw susundin ang utos nya ay papalayasin nya ako sa bahay, na okay lang! Kasi mas gugustuhin ko pang mapalayas kaysa maka-sama sila Kai sa iisang bahay!"

"Pero nakatira na kayo ngayon dito, Master.."

"Wala din kasi akong nagawa sa huli, Lucy. Hindi ko kayang kalabanin ang Parents ko kaya sinunod ko na lang ang gusto nila."

"Hmm.."

"Pero nong nalaman ko ang reason nila Mommy kung bakit pinipilit nila kaming tumira dito sa Mansion ay naintindihan ko din ang lahat."

"Anong reason nila, Master?"

"Gusto daw kasi nilang may maka-sama si MommyLa. Sya na lang kasi ang mag-isang naka-tira dito sa napaka-laking Mansion na'to simula nang mawala ni Daddy Lo."

"Daddy Lo?"

"Asawa ni MommyLa. Grandfather namin."

"Hmm.."

"Actually na-una na talagang tumira dito si Kai dahil dati pa talaga sya pumupunta-punta at natutulog dito sa bahay ni MommyLa. Sa tuwing nag-aaway kasi sila ni Auntie Caitronia, Mommy nya, ay kay MommyLa sya pumupunta. Magka-parehas kasi nang ugali si Kai at si Auntie Caitronia. Parehas silang pinaglihi sa sama nang loob kaya palagi silang nag-aaway. At talagang mapapatago ka na lang pag nag-away sila dahil para kasing may world war three na nangyayari!"

May pinagmanahan pala si Kai..

"Naaawa na nga lang ako kay Uncle Kharter dahil naiipit sya doon sa dalawang 'yon! Si Uncle kasi happy go lucky at talagang maloko. Para pa rin syang teenager kung umasta at sobrang cool nya!"

"Talaga?"

"Oo, Lucy! Ang angas nya pumorma at napaka-bait pa!" Pero nagtaka ako nang bumagsaka ang balikat ni Master Linclon at ngumuso sya. "Mas gusto ko pa nga sya kaysa kay Daddy."

"Bakit naman?"

"Si Daddy kasi napaka-sungit. Palagi nya akong pinapagalitan at kahit anong gawin ko ay walang tumatama sa paningin nya. Parati akong mali at sya parati ang tama. Kapag may nagawa akong mali ay hindi nya nakaka-limutan, pero tuwing may gagawin akong tama ay hindi nya naaalala. Parati nyang isinusumbat sakin ang mga mali ko pero ni minsan ay hindi nya ako nagawang purihin sa mga tamang nagawa ko." Malungkot na sabi ni Linclon.

"Walang perpektong tao at mas lalong walang perpektong tatay.. Minsan nagkaka-mali sila.. Minsan nauubusan nang pasensya at minsan hindi nila tayo naiintindihan.. Pero kahit ganon pa man ay walang ibang tao ang makaka-pantay sa pagmamahal na meron ang isang ama sa anak nya.." Nakangiting sabi ko kaya natigilan sya. Kinuha ko ang plato na wala ng laman at tumayo. "Kukuha muna ako nang cookies sa loob, Master.." Sabi ko at tinalikuran sya.

"Linclon na lang, Lucy."

Pero napatigil ako sa paghakbang ko ng mag-salita si Master Linclon. Nilingon ko sya at takang tiningnan.

"Ano 'yon, Master?"

"Linclon na lang ang itawag mo sakin simula ngayon." Sabi nya at nginitian ako.

"Pero---"

Nagulat ako sa biglang pag-tayo ni Master Linclon at paglapit sakin. "Linclon Monasterio." Nakangiting pagpapakilala nya at inilahad sa harap ko ang kamay nya.

Tinanggap ko ang kamay nya. "L-lucy.."

Mas lumapad ang ngiti nya. "Ngayon.. Nagka-kilala na tayo ng maayos. Nice to meet you, Lucy! Hehehehe!"

Napangiti din ako. "Hmm.. Nice to meet you din.."

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko hanggang sa pumasok ako sa loob nang Mansion. Gumaan kasi ang loob ko at sumaya ako dahil sa wakas ay naging maayos na din kami ni Linclon.

Nakangiti akong naglalagay nang cookies sa plato habang naaalala ko ang nangyari kanina.

Ang saya ko ngayon..

Nang mapuno ko ang plato ay ibinalik ko sa refrigerator ang mga natirang cookies at sinara ang pintuan. Kinuha ko ang plato at naglakad na palabas nang kusina para bumalik sa Garden nang bigla may humarang sa daraanan ko.

"Lucy.."

"K-kai?" Gulat na sambit ko.










To be continued...

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon