Chapter 65

190 11 0
                                    

KAI'S POV

"Lucy.." Mahinang sambit ko sa pangalan ni Lucy habang magkatitigan kami ngayong dalawa.

Ngayon na lang nya ulit ako tiningnan..

"Anong ginagawa mo dito, Kai?" Gulat na tanong nya sakin.

At ngayon na lang din nya ako kinausap..

"I want to see you." Seryosong sagot ko habang matiim akong nakatingin sa kanya.

"Bakit? May kailangan ka ba sakin, Master?"

"Yes."

"Ano 'yon?"

"Hindi ano kundi sino."

"Hindi kita maintindihan, Kai. Ano bang kailangan mo?"

"You." Diretsyong sagot ko at nakita ko kung paano sya natigilan. Malamlam ko syang tiningnan. "I need you, Lucy."

"H-huh?"

Hinawakan ko ang kamay ni Lucy at walang sabing hinila ko sya palabas nang kusina at mabilis kaming nagtungo papunta sa hagdan at umakyat.

"S-saan tayo pupunta, Kai?" Dinig kong tanong sakin ni Lucy habang hinihila ko sya pero hindi ko sya sinagot.

Pagkarating namin sa second floor ay mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko at hinila papasok si Lucy. Sinara ko agad ang pintuan at ni-lock ito.

"A-anong ginagawa natin dito sa kwarto mo, Kai?" Kinakabahan na tanong ni Lucy mula sa likuran ko kaya hinawakan ko sya sa kamay nya at isinandal ko sya sa likod nang pintuan nang kwarto ko.

Napasinghap sya dahil sa ginawa ko pero hindi ko pinansin 'yon. Nagka-titigan kaming dalawa at hindi ko na nga napigilan ang sariling kong marahan syang hilain palapit sakin at mahigpit syang niyakap.

Naramdaman kong nanigas ang katawan nya. "A-anong ginagawa mo, Kai?"

"Namiss kita, Lucy." Mahinang sambit ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa kanya. "I miss you in a way that not even a words can understand." Inilihig ko ang ulo ko sa balikat nya at napapikit ako sa sarap nang feeling habang kayakap ko sya. "Ilang araw mo akong binaliw. Ilang araw mo akong hindi pina-tulog kakaisip sayo at ilang araw mo ako pinahirapan, Lucy."

"A-anong pinagsasabi mo dyan, Kai? Kung nagjo-joke ka. Itigil mo na kasi hindi n-nakakatuwa."

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay nya. "Before I met you, I felt that I couldn't love anyone. That nobody would be able to fill the void in my heart. But all that changed when I met you. You broke my barriers, you opened me up, you touch my soul, you made me a whole, and you made me come alive. Now I have come to realize that I'm hopelessly in love with you." Sinserong sabi ko.

"I-in love?"

"Hindi mo alam kung gaano kahirap para sakin na pigilan ang sarili kong kausapin ka, Lucy. Gusto kong respetuhin ang desisyon mo pero nahihirapan ako dahil gustong gusto na kitang kausapin, Lucy. Diba sinabi ko na sayo dati na pag-galit ka sakin ay saktan o sigawan mo na lang ako kaysa sa hindi mo ako pansinin kasi mas masakit 'yon, Lucy. 'Yon ang hindi ko kakayanin."

"Kai---"

"Bakit kailangan mo pa ako iwasan, Lucy?!"

"Kasi---"

Nainis ako bigla nang maalala ko ang mga pang iiwas nya sakin nitong mga nagdaang araw.

"Dahil ba sa nag-confess ako nang feelings ko sayo?! Sinabi ko lang naman ang totoong nararamdaman ko sayo ah! Anong mali don?! Bakit kailangan mo akong iwasan?! Hindi mo ba inisip kong anong mararamdaman ko?! Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan nong iniwasan mo ako pagkatapos kong umamin sayo?!"

"N-nahihiya kasi ako, Kai." Mahinang sambit ni Lucy kaya natigilan ako. Sa sahig sya naka-tingin habang kinakalikot ang kamay nya. "H-hindi ko kasi alam kung ano bang magiging reaction ko pagtapos mong sabihin 'yon kaya mas pinabuti ko na lang na iwasan ka.. Hindi ko kayang kausapin ka o kahit harapin man lang dahil nahihiya ako.."

"H-hindi mo ba nagustuhan ang sinabi ko, Lucy?" Nasasaktan na tanong ko. "O-okay lang naman kung hindi mo nagustuhan. D-dati ko pa naman alam na si S-sanji talaga ang gusto mo at hindi ako---"

"Nagustuhan ko.."

Natigilan ako. "H-huh?"

"N-nagustuhan ko ang sinabi mo, Kai.." Nahihiyang sabi nya kaya namula ang mukha ko. "Ito kasi ang unang beses na may umamin sakin kaya hindi ko alam ang dapat mararamdaman ko.."

"Unang beses?"

Tumango sya. "Galit at takot ang lahat nang tao sakin dahil sa itsura ko kaya ang sarap sa feeling dahil sinabi mong gusto mo ako."

Ngumiti ako. "Magiging una at huli 'yan dahil hindi ako papayag na may iba pag mag-sabi sayo nyan, Lucy. Dapat ako lang." Nakita ko ang pagpipigil ni Lucy sa ngiti nya kaya natatawa akong niyakap sya. "I don't know how you got into my heart but I do know that I don't want you to leave."

Two people in love, alone, isolated from the world. That's beautiful.










To be continued...

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon