LEVIS POV
"Why did you drag me here? What do you want?" Inis na tanong sakin ni Cali matapos ko siyang dalhin sa likod nang Cafeteria. Padarag niyang inalis ang kamay kong naka-hawak sa braso niya saka niya ako salubong ang kilay na tiningnan. "Nagugutom na ako kaya sabihin mo na sakin kung ano bang dapat sasabihin mo dahil hindi mo gugustuhin kapag nagsimula nang uminit ang ulo ko."
"I have something important to tell you, Cali."
She tsked. "What nonsense are you going to tell me again?"
"It's not nonsense." Seryosong depensa ko saka ko siya diretsyong tiningnan sa mata. "You're life is in danger, Cali. Hinahanap ka na ni Lucas and he came back for revenge. Hindi ka na safe dito sa University."
"Lucas? Sino 'yong hayop na 'yon?"
"H-hayop?" Hindi makapaniwalang saad ko. "You already forgot him?"
"I am forgetful." Bored na sambit niya saka siya nag-cross arms.
"Siya 'yong lalaking binugbog mo nong nakaraan araw nong niligtas mo ako!"
"Tsk! Ayan lang ba ang rason mo sa pag-hila mo sakin papunta sa mabahong lugar na'to?"
"How can you be so calm, Cali? He is after you! No! They're after you! I'm sure that he's not alone. I know him. Hindi lumalaban nang patas si Lucas. He's the devil!"
She sighed. "Ano bang gusto mong maging reaction ko, Levis? Manginig ako sa takot? Kabahan ako mag-damag? Maihi ako sa palda ko?"
"Yes! You have to be afraid of him! Hindi mo kilala si Lucas! Hindi mo alam kung anong mga kayang gawin niya, Cali!"
"Tsk! Eh siya ba alam niya ba ang mga kaya kong gawin?" Malamig na saad niya dahilan para matigilan ako at mapa-titig sa kaniya.
B-bakit parang wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ko? Bakit kalmadong kalmado pa rin siya?
"H-hindi ka natatakot kay Lucas?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tsk! Bakit naman ako matatakot sa gunggong at hambog na lalaking 'yon? Puro lang siya amba pero wala naman siyang ibubuga. At isa pa napabagsak ko na siya noon kaya hindi na ako natatakot sa kaniya ngayon." Seryosong saad ni Cali bago niya ako tinalikuran. Pinanood ko siyang mag-lakad palayo sakin ngunit bigla akong natigilan nang tumigil siya sa paglalakad niya at nilingon niya ako. "But thanks for your concern anyway."
KAYLIN'S POV
Humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala ko na naglalaman nang pagkain na para kay Sanji habang tinatahak namin ang daan papunta sa room niya.
"W-wait! Wait! Wait, Angela!" Kinakabahan na sigaw ko saka ko hinawakan sa braso si Angela dahilan para mapatigil siya sa paglalakad niya at mapalingon siya sakin.
"What's the matter, Kaylin?"
"P-parang.. hindi ko kayang ibigay ito kay Sanji! Ikaw na lang ang mag-bigay sa kanya!" Utal na saad ko saka ko ibinigay kay Angela ang paper bag.
"Ano ka ba, Kaylin? Huwag ka na ngang mag-inarte! Nandito na tayo sa Building nila! Ilang kembot na lang natin nasa room na niya tayo! Labanan mo na 'yang hiya mo!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...