Chapter 41

662 57 5
                                    

KAI'S POV

"Sure kang hindi ka sasama samin sa 'bodega', Kai?" Rayver asked me while we were outside the Mansion.

Ang bodega na tinutukoy ni Rayver ay isang lugar kung saan nagaganap ang mga bagay na pinagbabawal. It's a former warehouse that was abandoned and turned into a bar for gangs to gather and entertain. It is private, so few people know about that place.

Maraming nagaganap sa bodega. Tulad ng pagtitipon ng iba't ibang mga sindikato sa buong Manila at ang bentahan ng illegal na droga. May gambling din, underground fight and dirty club kaya matatawag mo talaga syang illegal na lugar. Tambay ako sa lugar na yon kaya alam ko ang lahat ng baho nang lugar na yon.

"Yeah, I have to go somewhere." I answered.

"Where?"

"Diyan lang. I just have something to take care of."

"Ganon ba. Okay. Next time na lang."

"Sibat na!" Sambit ko at sinenyasan silang umalis.

"Ba-bye na boss! Sa susunod ulit! Pasabi kay Lucy, salamat!" Sigaw ni Jacob habang naglalakad sila palayo kaya tumango na lang ako.

"Ingat ka sa lakad mo." Sambit ni Rayver na tinanguan pa ako.

"Tch!" Hindi ko na sila tiningnan pang maka-layo at tumalikod na ako para pumasok sa Mansion kaso nagulat ako ng bumungad sa likuran ko ang pesteng yaya namin na si Lucy na wala na namang kareaksyon reaksyong nakatingin sakin. "A-ano ba?! Anong ginagawa mo dyan?!"

Tumingin sya sa sarili nya. "Naka-tayo, Master.."

"M-malamang! Engot ka ba?! Ang ibig kong sabihin ay kung bakit ka nandyan?!" Inis na sabi ko.

"Tinitingnan ko lang kung naka-alis na ba ang mga kaibigan mo.." Tumingin sya sa likuran ko kaya napalingon ako sa papalayong likod nila Rayver.

"At bakit naman?!" Salubong ang kilay na lingon ko sa kanya.

Ewan ko pero hindi ko nagustuhan ang sinabi nya! Tch!

"Wala lang.. Bakit may masama ba, Master?" Inosenteng tanong sakin ni Lucy.

I glared at him. "May gusto ka ba kay, Rayver?"

"Huh?" Umiling sya. "W-wala.."

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinanlisikan ko sya nang mata. "Subukan mo lang na magka-gusto sa kanya, patay ka talaga sakin! Naiintindihan mo?!"

"A-ano?"

"Tch! Baliw!" Sabi ko at nilagpasan sya!

Inis akong pumasok sa loob ng Mansion at tumungo sa kwarto ko! Kinuha ko ang towel ko na nasa kama ko at pumunta sa bathroom!

"Tch! Pesteng yaya!" Inis na sabi ko habang nasa ilalim ng shower!

Maya maya ay natapos din akong maligo at mabilis akong nagbihis. White t-shirt na panloob at black leather jacket with black pants and black shoes ang suot ko!

"Woooah?! Robin Padilla?!" Namamanghang bungad sakin ni Linclon ng magkasabay kami ng labas sa mga kwarto namin!

"Tch!" Lagitik ko at tinalikuran ko sya. Napangisi ako!

Hanga na namin sakin!

"Saan ang shooting natin, insan?!" Sulpot ni Linclon sa gilid ko kaya nawala ang ngisi ko!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon