LEVIS POV
"Levis! Levis! Wait, Levis!"
Bagot kong nilingon si Linclon nang tawagin nya ako habang papasok ako sa kwarto ko.
"What?"
"C-can I bother you for a second?"
"You always bother me, but go ahead."
Pero nagulat ako nang bigla syang lumapit sa akin at hinawakan nya magkabilang kamay ko na sobrang higpit!
"W-what are you doing, moron?! Let go of my hands!"
"Tulungan mo ako sa research ko, Levis! Nahihirapan na ako! Please! Help me! Huhuhuhu!"
"No way! Bakit naman kita tutulungan?!"
"Please, Levis! Ngayon lang ako hihingi nang tulong sayo at hindi na mauulit pa! Promise! Pag tinulungan mo ako, magiging mabait na ako sayo at hindi na kita aasarin o kukulitin!"
"Ayoko! Gawin mo mag-isa 'yan!" Inis na sabi ko at binawi ang kamay ko sa kanya! "Ang dali dali lang nang research--- Hihingi ka pa talaga nang tulong sakin?"
"Madali lang pala eh! Edi tulungan mo na ako, Levis! Please! Ayokong bumagsak! Magagalit sakin si MommyLa at pati na si Mommy pag bumagsak ako! Siguradong papalayasin nila akong dalawa! Wala akong mapupuntahan! Magiging pulubi ako nito nang wala sa oras!"
Tss! He's annoying!
"Ayoko nga! Kung tutulungan kita ngayon, tatamarin ka na sa susunod at sakin mo na laging ipapagawa 'yang mga research mo! So no! Hindi kita tutulungan. Paghirapan mo 'yan kung gusto mong pumasa!"
"Sige na, Levis! Parang hindi naman tayo mag-pinsan nyan! Huhuhu!"
"Imbes kasi na mag-aral ka, panay lakwatsya at kalokohan ang ginagawa mo! Kaya ayan tuloy wala kang maisagot dyan sa napaka-daling research nyo! Pati bata kaya 'yan, Linclon! What's wrong with you?! Hindi ka na bata! Grow up already!"
"Sorry na nga, Levis! Alam mo namang hindi ako mahilig mag-aral! Nagkaka-allergic ako dyan!"
"Pwes ihanda mo na ang sarili mo sa pag-bagsak mo!" Sigaw ko sa kanya at malakas na sinara ang pintuan nang kwarto ko pagka-pasok ko!
"Levis! Please! Tulungan mo ako! Wag kang snob dyan! Hoy, Levis!" Parang siraulong sigaw ni Linclon mula sa labas ng kwarto ko habang kinakalampag ang pintuan ko!
Bahala ka dyan!
"Umiiyak na agad sya sa research? Paano pa kaya pag nagkaroon na sila nang Thesis? Baka magpakamatay na sya! Tss! Idiot!" Inis na bulong ko habang pinapa-kalma ko ang sarili ko!
*Ring! Ring! Ring!*
Kinuha ko ang cellphone ko mula aa bulsa ng pants ko ng marinig kong may tumawag.
*Unknown number calling..*
"Who's this?" Bungad ko sa tumawag.
"Hi, Levis~" Nakaka-lokong sambit nang kung sino mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...