Chapter 38

702 55 3
                                    

LEVIS POV

Nakalabas na kami ngayon sa STEM Building at naglalakad na papuntang Parking lot para umuwi. Matapos kasi ang nangyari kanina ay napagpasyahan naming umuwi na lang para makapag-pahinga, lalo na si Lucy.

Tss! Mga walang magawa sa buhay.

Napatingin ako kay Lucy na napapagitnaan nila Sanji at Linclon na kanina pa sya walang sawang tinatanong at kinakausap. Napataas ang isang sulok ng labi ko ng makita ko ang pagkatuliro sa mukha nya kung sino ba ang lilingonin nya sa dalawang kumag.

Ngayon ko lang nakita ang buong mukha ni Lucy ng walang bangs at napatunayang kong hindi sya pangit katulad ng palagi kong iniisip. Tss. Ayon lang kasi naiisip kong dahilan dati kaya tinatakpan nya ang mukha nya.

At sa hindi ko malamang dahilan, natutuwa ako sa tuwing nakikita ko ang iba't ibang reaksyon sa mukha ni Lucy. Napailing na lang ako dahil doon at pinagkatitigan sya.

She has a very distinct heart-shaped face with a rounded jawline, and her prominent cheekbones give her a soft and delicate look. Her eyes are big and round, and her lips are naturally full. She has a small and straight nose, and her eyebrows are naturally arched.

And I will admit, she's really beautiful. Thats why I can't undrestand why she's hiding her face. Is there something that's she's afraid of? But what? And why? Maganda naman sya kaya bakit nya tinatago ang kalahati ng mukha nya?

She was like the moon, part of her was always hidden away.

"Ipikit mo 'yang mga mata mo kung ayaw mong dukutin ko 'yan, Levis!"

Napakurap-kurap ako ng bigla akong sigawan ni Sanji at mabilis nyang itinago si Lucy sa likuran nya na sinisilip pa rin ako!

"Tss! D-dumbass." Lagitik ko at tinalikuran sila para hindi nila makita ang pamumula nang mukha ko!

Damn it! Baka kung anong isipin nila!

"Ikaw, Levis, ah!"

Pero inis akong napalingon sa gilid ko nang sumulpot sa tabi ko si Linclon at pinagsusundot-sundot nya ang tagiliran ko!

"Stop it, you moron!"

He smirked. "Bakit ka titig na titig kanina kay Whitelady? Nagandahan ka sa kanya, ano?! Aminin! Hahahaha!"

Natural na ata kay Linclon ang nakakaasar na boses nya. Mabuti na lang hindi 'yon narinig nila Sanji dahil busy silang dalawa ni Lucy sa pag-uusap at medyo nangunguna kami sa paglalakad.

Inis ko syang tiningnan. "Can you shut up? Masyado kang maingay! Baka marinig ka nila Lucy!"

"No! I won't shut up until you answer my question.. or else.." He smirked.

"What?" Panghahamon ko.

"Sasabihin ko kay Lucy na crush mo sya! At hindi lang crush, kundi crush na crush! Hahahahaha!"

I smirked. "Go on. Tell them---"

"Talaga!"

"Hey! You bastard!" Pigil ko sa likuran ng kwelyo ng uniform ni Linclon ng umasta nga syang pupunta talaga kila Lucy! "Wag ka ngang papansin!" Inis na sabi ko!

"Umamin ka na lang kasi, Levis! Ako lang naman ang sasabihan mo eh! Safe sakin ang sekreto mo at makaka-sigurado kang hindi 'to makakarating kila Lucy! Hehehe!"

"Tss! Wala akong tiwala sayo!"

"Edi.. Lucy! Crush ka ni Levi---" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Linclon nang sumigaw sya!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon