LEVIS POV
We got off our cars after we arrived at Nathan's hideout. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa mga puno at doon nag-tago.
Tiningnan namin ang buong paligid at kumunot ang noo ko nang makita kong walang tao sa labas nang hideout ni Nathan.
"Why are there no guards?" I whispered.
Wala kang makikitang mga tao at ang tahimik pa nang lugar. You'll think you're in a haunted house because the surroundings are so quiet.
What the heck is happening? Bakit walang mga naka-bantay?
"Take a look around, Frank." Seryosong utos ni Rayver kaya kinuha ni Franklin at binoculars sa likod nang pantalon niya saka niya tiningnan ang buong paligid.
"Copy!"
"Sabihin mo kaagad sakin kapag may nakita kang kakaiba."
"Yes, boss!"
"Tsk! Huwag kang mang-abnoy! Gawin mo nang tama ang inuutos ko sayo!" Inis na asik ni Rayver bago niya binatukan si Franklin.
"Aray ko, Rayver! Bakit ka nangbabatok?!"
"Kasi abnoy ka!" Inis na dagdag pa ni Rayver saka niya itinagilid ang mukha ni Franklin paharap sa hideout ni Nathan. "Tingnan mo ang buong paligid, hindi ako!"
"Yeah.. isama mo ang lahat nang bata natin.. Mag-dala din kayo nang mga armas.. Kailangan namin nang maraming tao.. Ipabalita mo 'yan sa buong grupo.. Okay.. Bilisan niyo.. Hihintayin namin kayo.. Bye.."
Pero napalingon kami kay Kyle nang ibaba niya ang cellphone niya matapos niyang kausapin ang tumawag sa kaniya.
"Oh, ano? Nasaan na sila?" Tanong ni Rayver sa kaniya.
"On the way na daw sila." Sagot ni Kyle.
"Sinabi mo sa kanila ang lokasyon natin?"
"Hmm.. alam na ni Centi."
"Who were you talking to, Kyle?" I asked.
He turned at me. "Mga bata namin. Pinapunta ko kasi sila ngayon dito para tulungan tayo."
"Bata? You mean like a child? Are you out of your freaking mind? Why would you send a child here? Do you think they can help us?" Inis na tanong ko.
He chuckled. "Hindi batang paslit ang tinutukoy ko, Levis. Ang bata na sinasabi ko ay mga kasama namin sa gang. Sila ay mga tauhan namin. Tauhan ni Kai."
Tss! Gang! Mga feeling gangster!
"Ano pa bang hinihintay natin, Rayver? Bakit nagtatago pa tayo dito?! Sugurin na natin sila!" Naiinip na saad ni Jacob kaya naagaw niya ang atensyon namin.
"You need to calm down, Jacob." Mahinahong saad ni Rayver saka niya hinawakan sa balikat si Jacob.
Pero nagulat kami nila Kyle nang tapikin ni Jacob ang kamay niya at sinamaan niya nang tingin si Rayver na halatang nagulat din sa ginawa niya!
"Calm down?! Hawak ni Nathan sila Kai tapos sasabihin mo saking kumalma ako?!"
"Jacob---"
"Lumabas na tayo dito at sugurin na natin sila, Rayver! Kailangan na natin silang mailigtas bago pa may mangyaring masama sa kanila!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...