Chapter 37

626 54 9
                                    

SANJI'S POV

"Ang tagal namal umihi ni Whitelady! Magsisimula na Values na subject namin!" Iritadong sabi ni Linclon habang nandito kami sa labas ng STEM Building kung saan nag-cr muna si Lucy.

"Tumahimik ka nga! Hindi naman bibilis ihi ni Lucy dahil sa ingay mo!" Irita ding sabi ko.

"Eh 20 minutes na syang nasa restroom eh!" Nakangusong sabi ni Linclon.

Totoo, kanina pa talaga nasa loob ng restroom si Lucy at nag-aalala na ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Gusto ko syang pasukin don at tiningnan kung okay lang ba sya pero alam kong hindi pwede yon! Matatawag akong manyakis nito ng wala sa oras! Tsk!

"Hindi kaya.." Napatingin ako kay Linclon. "Hindi kaya tumae si Whitelady?!"

"Ang baboy mo!" Batok ko sa kanya!

"Aray! Bakit ba, Sanji?!"

"Kakakain lang natin!"

"Tss! Stupid." Bagot na sabi ni Levis habang naka-upo sya banda sa mga bulakbulak na pwede mong upuan ang gilid ng semento nito. Naka cross arms sya at nakapandekwatro pang babae.

Tsk! Halatang halata!

"Eh kung pasukin na lang natin sya sa loob ng restroom, Sanji?! Para makita natin kung anong ginagawa nya!" Walang kwentang sabi na naman ni Linclon!

"Subukan mo! Nang makatikim ka sakin!" Pinakita ko ang kamao ko sa kanya!

"Ang overprotective mo masyado! Eh hindi naman kayo mag-jowa!"

"Hindi 'pa'!"

"Bahala ka! Basta pag na-friend zone ka talaga ni Whitelady.. tatawanan kita! May kasamang pakyu pa! Tandaan mo yan!"

"You little!" Inis na sabi ko at hinead lock sya! "Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ako ifri-friendzone ni Lucy!"

"Hahahahahaha! O-oona, Sanji! B-bitawan mo na ako! Hahahaha!"

"Hayyys.." Dinig kong buntong hininga ni Levis sa gilid!

"Kyaaaaaaah!"

Pero natigilan kaming tatlo nang may marinig kaming sigaw ng babae at hindi ko gusto kung saan nanggagaling yon!

"Lucy!" Sabay sabay na sigaw naming tatlo nila Linclon na nagkatinginan pa habang si Levis ay napatayo pa!

"To the restroom!"

Gulat kaming napatingin kay Levis nang nagmamadali syang tumakbo papunta sa restroom kung saan nga namin narinig ang sigaw na yon!

Mabilis kaming sumunod ni Linclon sa kanya habang bakas sa mga mukha namin ang pag-alala!

Lucy! Please be safe!



LUCY'S POV

Napatingin ako kila Margareth at Trixie ng hawakan nila ako sa magkabilang balikat ko.

"Busted!" Nakangising sabi ni Margareth na nasa kanan ko.

"Hindi ka na makakawala!" Si Trixie na nasa kaliwa ko.

"Hmm.. Ano kayang magandang haircut ang bagay sayo?" Nakangisi at parang demonyong lapit sakin ni Sheina habang may hawak syang gunting dahilan para kabahan ako!

Anong.. Anong binabalak nyang gawin?

"Mamaya na yan Shin! Let's start muna with her bangs! Hahahaha! I want to know what she's really like!" Sabi ni Margareth dahilan para mas dumoble ang kaba ko!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon