LINCLON'S POV
"Kamusta, Lucy?" Malambing na tanong ni Sanji kay Whitelady pagkalapit nya samin.
Kadiri amp!
Sinundo kasi namin si Whitelady dito sa Building nya para sabay sabay na kaming kumain ngayong Lunch. Si Kai naman ay nilagpasan lang kami at nangunang naglakad papuntang Cafeteria.
Tsk! Snober! Akala mo sikat!
"Ayos lang.. Kayo?" Tanong ni Whitelady samin at tiningnan kami isa isa habang nagsisimula na kaming mag-lakad.
Nanay lang ang peg?
"Ako, Lucy! Ayos pa sa ayos! Nag-notes ako at nakinig nang mabuti! Hehehe!" Parang batang sabi ni Sanji. Kulang nalang magpakita sya ng mga tatak na star sa kamay nya.
Natawa ako. "Ay wow! Mag-nanay? Hahahahaha!"
"Wag ka ngang mangialam dyan bading!" Inis na tingin sakin ni Sanji.
"Oo na! Oo na! Baby! Hahahahaha!"
"You little!" Sabi ni Sanji at hineadlock ako dahilan para mas lalo akong matawa!
"Hahahahaha! Tama na, Sanji! Ayoko na! Hahahahahaha!"
"Gago ka ah!"
"Tss. Childish."
"Sinong tinatawag mong childish nerd?!" Baling naman ni Sanji kay Levis ng umungot ito!
Nandidiri syang tiningnan ni Levis. "Don't come near to me!"
"Bakla talaga amp! Wala ito! Isa kang gay!" Pang-aasar pa ni Sanji.
Tsk! Damuho!
Pero napalingon ako kay Whitelady ng mapansin kong tahimik sya. Kumunot tuloy ang noo ko at dinungaw sya.
"Are you all right, Whitelady?" I asked.
"Ahh.. Hmm.. Okay lang ako, Master.." She answered.
"Why are you so quiet? Did something happen?"
Pero kumunot ang noo ko ng mag-iwas ng tingin sakin si Lucy. What was that? Bakit sya nag-iwas ng tingin sakin? Did I say something wrong?
"Pinuntahan ako nang kapatid mo kanina, Master Linclon.." Sambit ni Lucy dahilan para mamilog ang mga mata ko!
"What?! Si Ate Charlotte?!"
Lucy nodded. "H-hmm.."
"But why? What does she need from you?" Takang tanong ko.
"H-hindi ko alam.."
"Ano na naman kayang pakulo nang babaeng 'yon? Tsk! Umiwas ka na lang pag nakita mo ulit sya, Whitelady. May sapak sa ulo 'yon. Literal na baliw sya!"
"Sinong tinatawag mong baliw?!" Inis na sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko at malakas akong binatukan!
"Aray! Ano ba, Ate Charlotte?!" Inis na hinarap ko ang nakakairitang kapatid ko!
"Wag mo akong bina-backstab!" Sigaw sakin ni Ate Charlotte, nakaka-tanda kong kapatid.
Mas matanda sya sakin ng 3 years kaya 2nd year College na sya. Pero kahit ganon, ako pa rin ang mas matangkad saming dalawa. At ako palagi ang napagmu-mukhaang panganay samin!
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...