Chapter 54

601 32 15
                                    

LEVIS POV

"So anong balak natin mamaya Levis? Tayong dalawa ang magka-group sa biology." Dakdak ni Jester sa harap ko habang free time namin, hindi kasi pumasok ang pangatlong subject namin kaya pinaguusapan na namin ngayon ang gagawin sa assingment na in-assign samin kanina. "Saan mo gustong gawin ang assingment? Sa bahay ba namin o sa inyo na lang? Pero ako mas gusto kong sa inyo na lang tayo gumawa! Tsk! Sure kasi ako na gagambalahin ka lang ng kapatid kong si Jessy pag nakita ka nya sa bahay! Alam mo namang patay na patay sayo yon!"

Nagsa-salita sa harap ko si Jester pero wala akong ni isang naiintindihan sa mga sinasabi nya. Walang pumapasok sa isip ko. Para lang akong tangang naka-titig sa kanya. Masyado akong lutang para intindihin ang lahat ng salita na lumalabas sa bibig nya!

At alam ko ang dahilan ng pagga-ganto ko! Nakita ko lang naman kasi sila Lucy at Kai kanina sa parking lot na nagya-yakapan!

Oo! Nakita ko silang dalawang nagyayakapan--- O mas mabuti yatang sabihin ko na--- Nakita kong naka-yakap mula sa likuran ni Lucy si Kai!

Tss! Bakit ko ba kasi kailangan makita pa sila sa ganong sitwasyon?!

Dahil sa pesteng eksenang nilang yon, hindi ako naka-concentrate sa mga nagdaang lesson namin kanina! Para akong tangang nakatulala sa kung saan kaya napapagalitan tuloy ako ng mga Lec namin!

Calm down, Levis! Forget about it! You will get nothing if you keep thinking that! Inhale.. Exhale.. Inhale---

"Aaaaaaahh! Hindi ko talaga malimutaaaan!" Wala sa sariling sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko!

Para paring flashback na nagpaulit ulit sa utak ko ang yakapan nila! This is making me insane! Dammit!

"H-Hoy Levis! Anong nangyayari sayo?"

Pero napatingin ako kay Jester at napangiwi ng makita ko ang takot sa mukha nya!

Napansin ko din ang ibang mga classmate ko na napatigil sa mga kanya kanyang ginagawa nila at para ring tangang nakatingin sakin habang pinagbubulungan pa ako!

"What are you looking at?!" Masungit na tanong ko sa kanila kaya napaintag sila at mabilis na iniwas ang tingin sakin. "Tss! Stupid people."

"Hoy! Anong problema mo?" Napalingon ako kay Jester ng hampasin nya ako sa balikat ko. "Bakit bigla bigla ka na lang nasigaw?"

"N-nothing."

"Are you sure?"

"Y-yeah."

"Okay. Saan mo gustong gumawa tayo, Levis? Sa bahay namin o sa inyo na lang?"

"Bakit ka pupunta samin? Anong meron?" Takang tanong ko.

"Aba't! HIndi ka ba nakikinig sa mga pinagsasabi ko kanina?! Ang sabi ko saan mo gustong gawin ang assingment natin bilang magka-grupo! Sa amin ba o sa inyo?!"

"Samin na lang! Wag ka ng sumigaw dyan! Ang sakit sa tainga!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Napalagitik sya at nakapanlumbabang tiningnan ako. "May nangyari ba? Kanina pa kita napapansing wala sa sarili ah?"

I looked away. "May inisiip lang ako."

"Sino? Yong crush mo no? Hahahahaha!"

"Could you please speak a bit more quietly? Maririnig ka ng lahat!"

"Sorry! Sorry! Hahaha! Masyado ka namang highblood, Levis! Hahahaha!"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon