Chapter 91

237 3 0
                                    

LEVIS POV

"Ugh! I can't get through to them." Inis na sabi ko habang dina-dial ko ang number ni Sanji.

"I'm not having any luck either." Inis ding sabi ni Kai habang dina-dial naman nya ang number ni Linclon.

Hindi pa rin kasi sila umuuwing dalawa at nag-aalala na kami lalo na't nasa peligro ang mga buhay namin ngayon. Kanina pa namin sila pilit na tinatawagan pero bigo kaming maka-usap sila.

"Nasaan na ba ang dalawang ungas na 'yon? Why haven't they come home yet? It's already 7 o'clock." Inis na sambit ko habang dina-dial ulit ang number ni Sanji.

"Tawagan nyo lang sila nang tawagan Levis.. Baka hindi lang nila napapansin ang mga tawag nyo.." Nag-aalalang sabi ni Lucy na hindi mapakali sa kinauupuan nya.

"Tch! Levis, ikaw na muna ang bahala kay Lucy! May pupuntahan lang ako!" Galit na sambit ni Kai at sinuot nya ang black na leather jacket nya na naka-lagay sa upuan at lumabas sya nang Mansion.

"Saan ka pupunta, Kai?" Tanong ni Lucy sa kanya kaya napatigil sya sa akmang pag-sakay sa kotse nya.

"Sa school! Titingnan ko kung nandoon pa ba sila!"

"I'll come with you." Presinta ko at nag-lakad ako palapit sa kanya.

"Sasama rin ako!" Sambit ni Lucy kaya mabilis kaming umiling.

"No, dito ka lang, Lucy. Kami nang dalawa ni Kai ang bahalang mag-hanap sa kanila." I says.

Bumagsak ang balikat nya. "Pero---"

Hindi na natuloy ni Lucy ang sasabihin nya nang mag-lakad palapit sa kanya si Kai at niyakap sya.

Tss! Para paraan din!

"Don't worry, Lucy. Alam kong walang masamang nangyayari sa kanila." Seryosong sambit ni Kai.

"Pero hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala, Kai.. Ngayon lang nangyari na wala pa rin sila dito sa Mansion nang ganitong oras kaya malakas talaga ang pakiramdam ko na may nangyayaring masama sa kanilang dalawa.." Malungkot na sabi ni Lucy habang mas lalong humihigpit ang pagkaka-yakap nya kay Kai.

"Iuuwi ko sila nang buhay dito, Lucy. Mag-tiwala ka lang sakin."

Humiwalay si Lucy sa kanya at parang batang tumango. "H-hmm.."

"Tawagan mo agad kami if ever na umuwi na sila. Baka kasi magka-salisihan kami. And i-lock mo ang mga pintuan at wag mong pagbubuksan ang kung sino mang kumatok sa gate natin."

"Mag-iingat kayo.." Nag-aalalang sabi ni Lucy kaya ginulo ni Kai ang buhok nya at nginitian ko naman sya.

"Let's go, nerd! Sumakay ka na sa ibabaw nang kotse. Hahahahaha!" Pang-aasar ni Kai sakin bago sya sumakay sa kotse nya!

"I'm not nerd!" Inis na sabi ko at sumakay na din agad ako sa passenger seat.

Mabilis kong sinuot ang seat belt pagka-bukas ni Kai nang makina dahil alam kung papaharurotin nya paalis ang kotse. At hindi nga ako nagkamali nang humampas ako sa upuan dahil sa bilis nang takbo nya!

"Hey, slow down! Are you trying to kill me?!" Inis na sigaw ko.

"Of course!" Nakangising sabi ni Kai bago nya mas lalong tinapakan ang accelerator pedal!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon