Special Chapter 2 : Christmas Edition!

682 58 5
                                    

LUCY'S POV

"Hoy! Ano ba? Bumaba na kayo dito! Ang kukupad niyo!" Tawag ni Sanji sa mga pinsan niyang nasa taas pa at mukhang walang balak na bumaba.

Hindi ko sila masisisi..

May ginawa na naman kasing kalokohan si Sanji. Tinago niya ang lahat nang damit nila Master Levis at ang tanging tinira niya lang ay ang custom na binili niya sa kanila para sa celebration ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalagay ako nang mga plato sa lamesa.

Kahit ako ay hindi tinigilan ni Sanji hangga't hindi ko sinusuot itong custome na binili niya para sa akin.

(A/N: Ang taray ni Lucy, ano? Kabog!)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Ang taray ni Lucy, ano? Kabog!)

"Hayaan mo na muna sila, Sanji.. Baka hindi pa sila tapos mag-ayos.." Sambit ko pagkatapos kong ilagay ang lahat nang plato sa lamesa.

"Tsk! Ang kukupad talaga nilang gumalaw, Lucy!" Inis na saad niya.

"Habaan mo lang ang pasensya mo.. Paniguradong pababa na rin sila maya maya.."

"But what do you think of my custome, Lucy?" Nakangising tanong ni Sanji sakin kaya napatingin ako sa custome na suot niya.

Gusto kong matawa dahil sa itsura niya ngayon. Ang laki kasi nang pagkakaiba nang custome niya kay Santa claus.

 Ang laki kasi nang pagkakaiba nang custome niya kay Santa claus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Kayo na lang ang humusga sa siraulong 'to. Hahahahahaha!)

"O-okay naman.." Pagpipigil ko sa tawa ko.

"What? Bakit okay lang, Lucy?" Nakangusong tanong niya.

"Ano bang dapat sabihin ko?"

"Na ang hot ko!" Nakangising saad niya saka niya i-flinex sa harap ko ang muscle niya.

Mahina akong natawa. "Puro ka talaga kalokohan, Sanji."

Napatingin ako sa Christmas tree na nasa living area at palihim akong napangiti.

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon