LUCY'S POV
"Luccccccy!"
Gulat na napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang malakas na sigaw na 'yon na Sanji. Napatigil ako sa paglalagay ko nang mga plato sa lamesa at hinarap ko siya.
Natakbo siya palapit sakin habang naka-taas ang dalawang kamay niya sa ere at akala mo batang iwinawagaygay ang mga 'yon.
Mukha siyang masaya.. Ano kayang nangyari sa meeting nilang magpi-pinsan?
"Kamusta? Anong nangyari sa meeting ninyo?" Tanong ko kay Sanji pagkalapit niya sakin pero nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa mag-kabilang braso ko. "B-bakit, Master?"
"M-may.. May maganda akong balita sayo, Lucy!" Hinihingal na sambit niya.
Ang lapit niya masiyado sakin.. Hindi ako komportable..
"Magandang balita?"
"Oo, Lucy! Magandang magandang balita!"
"Anong balita?"
"Lucy.. Monasterio ka na!" Nakangiting sigaw ni Sanji na nag-echo pa sa buong Mansion dahilan para magulat ako!
Matagal bago nag-sink sa utak ko ang sinabi nya kaya matagal din bago ako nakapag-react.
"H-huh?"
A-ano daw? M-monasterio na ako?
"Monasterio ka na, Lucy! Ka-apelyido ka na namin at kasama ka na din naming mag-aaral sa University!" Masayang dagdag pa ni Sanji habang niyuyugyog niya ako dahilan para makaramdam ako nang konting pagka-hilo!
"A-anong ibig mong sabihin, Master?"
"Papaaralin ka ni MommyLa sa University namin, Lucy! Hindi ba't magandang balita 'yon?! Makakapag-aral ka na ulit, Lucy! Mag-aaral tayong dalawa na mag-kasama! Hahahahaha! At dahil ka-apelyido ka na din namin.. Iisipin nang lahat na mag-asawa tayo!"
"A-ano? Bakit? Wala akong maintindihan.."
Wala kasi akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Masyadong magulo at hindi ko alam kung anong uunahin ko.
M-monasterio na ako? Pag-aaralin ako ni Ma'am. Elizabeth? At.. asawa niya na ako? Ang gulo.. wala akong maintindihan..
"You're great. You fooled, MommyLa!"
Pero napatingin ako sa likod ni Sanji nang marinig ko ang boses na 'yon ni Levis. Bumungad sakin ang hindi maipintang mukha nilang dalawa ni Linclon habang naka-tingin sila sakin.
"Master Levis.. Master Linclon.." Sambit ko.
Bakit ganiyan sila maka-tingin sakin? May nagawa na naman ba akong kasalanan sa kanila?
"I already disliked you, and now I hate you all even more!" Galit na dagdag pa ni Master Levis dahilan para mas lalo akong maguluhan.
Bakit siya galit sakin? Anong kasalanan ko sa kaniya?
"Hoy, Levis! Tantanan mo na nga si Lucy! Tanggapin mo na lang ang desisyon ni MommyLa!" Inis na sigaw sa kanya ni Sanji pero hindi inalis ni Levis ang masamang tingin niya sakin.
"Anong pinaplano mo?!" Galit na tanong sakin ni Levis kaya kumunot ang noo ko.
Plano?
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...