LINCLON'S POV
Nagising ako na parang pinupukpok nang martilyo ang ulo ko. Dahan dahan akong bumangon at napahawak sa ulo ko nang mas lalo itong sumakit nang gumalaw ako!
"Tsk! Hangover!"
Hiindi ko alam ang nararamdaman ko. Nahihilo ako na nasusuka at inaantok. Kaya kahit tinatamad ay umalis ako sa kama ko at lumabas nang kwarto para tumungo sa baba, sa kusina.
Gusto kong uminom nang malamig na malamig na tubig!
Para akong patay na naglalakad papa-baba nang hagdan. Bawat hakbang ko ay mas lalo akong nasusuka kaya napa-takip ako sa bibig ko!
Hindi na ulit ako iininom! Lord, help me! Huhuhuhu!
"Good morning, Linclon.." Sambit nang kung sino pagkarating ko sa Dining area kaya kinusot-kusot ko ang mga mata ko para makilala ko sya.
"Lucy?"
"Kumain ka na.. May naka-handa nang pagkain sa lamesa.." Nakangiting sambit nya habang nag-aayos sya nang lamesa.
Na.. naka-ngiti? Ngumiti si Lucy sakin? Totoo ba 'to? O baka nananaginip lang ako?
"Tch! Ano? Buhay ka pa?" Sulpot bigla ni Kai sa gilid ko kaya gulat ko syang tiningnan.
"A-anong ginagawa mo dito, Kai? Ang aga mo nagising ah?'
"Syempre tinulungan ko si Lucy! Ayaw kong mapagod sya eh! Tch! Tumabi ka nga muna. Tutulungan ko muna si Lucy. Umupo ka na dyan at kumain. Mukha kang zombie. Tch!" Sambit nya at nagtungo sya sa tabi ni Lucy at tinulungan itong mag-lagay nang mga plato sa lamesa.
"Tsk! Iba talaga ang kapag in love. Nagiging maamong tupa ang dragon! Hahahahah!"
"Gago! Anong dragon ka dyan?!"
Mas lalong lumakas ang tawa ko. "May bago ka na pa lang assistant, Lucy, ah? Pinagpapalit mo na kami ni Sanji." Tukso ko sa kanya at mas lalo namang lumawak ang pagkakangiti ko nang mamula ang mukha nya!
"H-hindi, Linclon.. Tinutulungan lang ako ni K-kai.."
Kinikilig din pala ang isang Whitelady! Bwahahahaha! Grabe! Bagay sila!
"Eh bakit namumula ka? Hahahahaha! Nagba-blush ka ba? Uyyy! Kinikilig si Whitelady! Hahahaha!"
"H-hindi! Hindi ako namumula!"
"Suus! Kinikilig ka, Whitelady? Yieee! Si Whitelady kinikilig! Lucy at Kai--- LuKai! Hahahaha! LuKai! LuKai! LuKai--- Aray Kai!" Daing ko nang bigla akong batukan ni Kai!
"Manahimik ka nga! Wag mong asarin si Lucy! Tch!"
"Masyado ka naman overprotective kay Lucy, eh hindi naman kayong dalawa! Tsk! Para ka ring si Sanji eh! Masyadong advance mag-isip! Tandaan mo, hindi kayo ni Whitelady kaya wag kang umarte nang ganyan! Mag-pinsan talaga kayo ni Sanji! Pareho kayong assuming! Hahahahaha!"
"Gago! Magiging kami din! Hintayin mo lang! Liligawan ko si Lucy!"
"Ikaw? Manliligaw?! Hahahaha! Marunong ka ba non, Khairo Eleazar Monasterio? Hahahaha!"
"Anong tingin mo sakin tanga?! Malamang oo! Hindi ako kahapon lang pinanganak para hindi ko malaman kung ano ba ang panliligaw! Tch! Mag-hintay ka lang. Liligawan ko si Lucy at ipapakain ko sayo 'yang lahat nang sinabi mo!"
BINABASA MO ANG
Ang Yaya Naming Scary! (On-going)
Teen FictionMagugulo ang tahimik na buhay nang apat na magpipinsang Monasterio ng may ipakilalang 'yaya' ang Lola Elizabeth nila sa kanila. Kung inaakala nyong normal ang magiging yaya nila, nagkakamali kayo dahil ibang iba sya sa mga yayang makikilala nyo. Is...