Chapter 27

827 71 14
                                    

KAI'S POV

Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong may malamig na bagay ang dumadampi sa noo ko.

"Who the f*ck are--- L-lucy?!" Gulat na sigaw ko nang makilala ko sya.Inis akong bumangon at padarag kong inalis ang kamay nyang naka-hawak sa noo ko. "What are you doing here?!"

"Mabuti.. Gising ka na, Master.." Malamig na sambit nya.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?! Bakit nandito ka?!"

"Binabantayan kita.."

"Binabantayan?!"

"Hmm... Ang taas kasi nang lagnat mo kahapon kaya nag-alala ako sayo at sinubukan kitang gamutin.."

Nagulat ako. "Lagnat?! Nagka-lagnat ako?!"

"Hmm.. Hindi mo alam?"

Napasapo ako sa noo ko at naramdaman ko ang init ko. "Tch! W-wala akong matandaan!"

"Mukhang sa sobrang taas nang lagnat mo ay wala ka nang alam sa mga nangyayari pero huwag kang mag-alala.. Bumaba naman na ang lagnat mo kaya medyo ayos ka na, Master.." Sambit nya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Tch! Nagugutom ako! Bigyan mo ako nang makakain!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Yes, Master." Sambit nya saka sya tumayo at lumabas sa kwarto ko.

Maya maya din ay bumalik agad si Lucy dala ang tray kung saan naka-lagay ang mga pagkain.

"W-what is this?!" Takang tanong ko nang mag-lagay si Lucy na maliit na lamesa sa kama ko!

"Para maka-kain ka nang maayos, Master.." Sambit nya saka nya isa isang nilapag sa maliit na lamesa ang mga pagkain. "Heto.. Nilutuan kita nang sopas.. Makaka-tulong ito sa pag-galing mo.."

Napalunok ako nang maamoy ko ang mabangong aroma na nanggagaling sa sopas na niluto nya!

"Kumain ka na Master para magkalaman naman kahit papaano ang tiyan mo.. Dahil tatlong araw ka ring hindi kumain.." Nag-aalalang sambit ni Lucy kaya napa-titig ako sa kanya.

Why is she treating me like this?!

"Anong problema, Master? Ayaw mo ba nang sopas?" Tanong sakin ni Lucy nang mapansin nyang hindi ko ginagalaw ang mga pagkain.

"N-no."

"Gusto mo bang mag-luto ako nang ibang pagkain?"

"T-there's no need. Okay na sakin ito."

"Sabihin nyo lang sakin kung hindi nyo sya gusto.. Pwede naman akong mag-luto ulit.."

"Why are you treating me like this?!" Inis na sigaw ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Anong ibig mong sabihin, Master?"

"Ayan! Bakit ang bait mo sakin?! Bakit mo ako inaalagaan?! At bakit nag-aalala ka sakin?!"

"Masama bang mag-alala ako sayo, Master?"

"H-hindi.. pero hindi ba't.." Nag-iwas ako nang tingin sa kanya. "..a-ang sama sama k-ko sayo!"

Wala kasi akong makitang dahilan para maging ganito sya kabait sakin. Alam ko kasi sa sarili ko na naging masama ako sa kanya.

Kaya naiinis ako sa kanya ngayon dahil hindi ko maintindihan kung paano nya nagagawang maging mabait sakin sa kabila nang lahat nang pang-aaway na ginawa ko sa kanya!

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon