Chapter 26

781 60 3
                                    

LINCLON'S POV

Clear! Wala sya!

Mabilis akong pumasok sa kusina ng makita kong wala ang masamang presensya ni Whitelady at agad akong dumiretsyo sa fridge para uminom ng malamig na tubig.

Dalawang araw ko na kasing iniiwasan si Whitelady simula ng mangyari ang komprontasyon sa pagitan naming lima dahil sa pagpapaaral sa kanya ni MommyLa.

At hindi ko alam pero ayaw ko syang maka-harap kaya halos dalawang araw akong parang tangang umiiwas sa kanya.

"Hoy Linclon!"

Nanlaki ang mata ko at naibuga ko ang tubig na iniinom ko ng biglang may sumigaw sa likuran ko. Inis kong tiningnan si Sanji na parang bakla na naman sa suot nyang apron na kulay pink!

"Ano ba?! Bakit ka nanggu-gulat?!" Inis na tanong ko sa kanya at pinunasan ang bibig ko.

"Tsk! Bakla ka lang talaga. Tumabi ka nga dyan. Ang laki mong harang!" Sambit nya at malakas akong tinulak palayo sa fridge.

"Wag mo nga akong i-tulak!"

"Manahimik ka nga! Ang ingay mo!" Sigaw nya sakin at may kinuha syang kung ano sa loob ng fridge.

Carrots?

"Naglu-luto na kayo Sanji?" Tanong ko.

"Hindi ba halata?" Sarcastic na sabi nya at akma na nya sana akong tatalikuran ng bigla ko syang hinawakan sa braso nya. Inis nya akong nilingon. "Ano na naman bading?! Masu-sunog na yong niluluto namin!"

"Sanji~" Malambing na tawag ko sa pangalan nya at nag-puppy eyes ako.

Ma-cute-an ka please!

"Ano?! Wag mo akong tingnan ng ganyan! Hindi ka cute!"

Bwesit!

"Ano bang kailangan mo?!" Tanong pa ni Sanji kaya tinindihan ko na ang pagpapa-cute!

"Ihatid mo ulit sa kwarto ko yong pagkain Sanji~"

Kasama kasi sa pag-iwas ko kay Whitelady ay 'yong hindi ako sasabay ng kain kila Sanji para hindi ko sya makita!

Diba para akong tanga? Pero wala kayong pakielam!

At sa loob ng dalawang araw na yon si Sanji ang laging naghahatid ng pagkain sa kwarto ko. Alam nya kasi ang dahilan ko at naiintindihan nya ako kaya pumayag sya sa request ko.

"Ano?! Ang kapal mo naman!" Inis na sabi ni Sanji.

"Sige na, Sanji!"

"Tigilan mo ako, Linclon! Sumo-sobra ka na!" Wisik nya sa braso nya dahilan para mapa-bitaw ako. Gulat na tiningnan ko sya. "Naiintindihan ko 'yang rason mo kaya pumayag ako nong una pero sobra ka na masyado, Linclon! Wala na sa lugar 'yang inaasta mo! Masyado ka ng overreacting!"

Ngumuso ako. "Sanji naman.."

"Tsk! Harapin mo na kasi si Lucy. Dalawang araw na ang lumipas. Wag kang masyadong bading."

"Hindi ako nagpapaka-bading. Nahihiya lang talaga ako."

"Tsk! Wala naman na yon kay Lucy no. Alam kong nakalimutan na nya 'yon. Ikaw na lang talaga lang 'tong hindi pa nakaka-get over."

"Nahihiya nga kasi ako, Sanji! Hindi ko pa sya kayang harapin!"

"Bakit?"

Ang Yaya Naming Scary! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon